Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons! For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies. Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page. I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊
Ngayong araw, nilulunsad namin ang #AngatBayanihan — ito ang ating VOLUNTEER PROGRAM sa Angat Buhay kung saan puwede kayong mag-ambag ng oras, talento, o kahit anong tulong para sa agarang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Dito, puwede kang magsagawa ng iba’t ibang klase ng paglapit at pagtulong sa kapwa, lalo na para doon sa mga nakilala natin sa ating mga pag-iikot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Ilang halimbawa ng pagbabayanihan sa pamamagitan ng Angat Buhay ang agarang pagkilos ng volunteer groups sa Abra at Ilocos provinces na tumugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng lindol. Bago pa man iyan, nagsagawa rin ng relief operations ang ating magigiting na volunteers para sa apektado ng Banaue landslides. Nariyan din ang mga kabataan sa Maynila na magsasagawa ng kanilang medical mission sa komunidad. Nitong nakaraang Sabado, may individual volunteers na bumisita sa ating Community Learning Hub para magbigay ng mga libro para sa ating learners. Napakaraming posibilidad! Napakaraming pagkakataon para magpamalas ng pakikipagkapwa at pagbabayanihan!
Welcome dito kahit sino! Yayain na ang inyong grupo, barkada, kapamilya, at ka-opisina. Palakasin natin ang samahan, ipadama ang saya ng pagtutulungan, at mag-#AngatBayanihan!
Para sa mga interesado, magkakaroon tayo ng weekly onboarding sessions. Sa ating unang linggo, maaari po lamang na mag-register sa mga link na ito:
Organized Groups, Thursday, August 11, 6:00PM:
Individual Volunteers, Thursday, August 11, 8:00PM:
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.