Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Kinse

… minsan malupit talaga ang pagkakataon. May mga bagay tayo sa buhay natin na pilit natin kinakalimutan, marahil siguro mali o di kaya ay labis tayong nasaktan nito. Sa mga lumilipas na araw, araw na pilit mo ‘tong kinakalimutan, yung dinidiktahan mo lagi ang puso’t isip mo na huwag ng alalahanin pa ang lahat. Huwag ng alalahanin dahil nasasaktan ka lang, dahil umaasa ka lang na magbago pa ang guhit ng pagkakataon, dahil sa ayaw mo na dahil hindi na maganda ang dulot sa buhay mo nito.. Pero, sadyang malupit ang pagkakataon, minsan bigla mo nalang maaalala ang lahat, kahit pigilan mo, kahit labanan mo, talo ka.. Yung tipong pupunta ka lang ng bangko at sa tuwing punta mo, ito lagi ang makukuhang mong number sa pila, tapos biglang mabilis na tatakbo sa’yo ang nakaraan, bigla mong mararamdaman yung sakit, sakit dahil namimiss mo at hindi mo matanggap sa sarili mo na sa kabila ng sakit at hirap na dinulot sa’yo minamahal mo pa din ito at hindi mo ‘to mabura sa buhay mo.. Manglulumo ka nalang dahil makikita mong talo ang sarili mo. Pero, ang pagkakataon may magandang hatid din pala, dahil sa kabila ng pag-papaalala na ginagawa nito, makikita mong lumalaban yung sarili mo, mararamdaman mong tinutulungan ka din pala ng pagkakataon na maging malakas at matanggap unti unti ang lahat.. At bago matapos ang isang buong araw, buhay ka pa din, tatawa at okay. ALL IS WELL.

Comments

Popular posts from this blog

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.