Ngayong araw, nilulunsad namin ang #AngatBayanihan — ito ang ating VOLUNTEER PROGRAM sa Angat Buhay kung saan puwede kayong mag-ambag ng oras, talento, o kahit anong tulong para sa agarang pangangailangan ng ating mga kababayan. Dito, puwede kang magsagawa ng iba’t ibang klase ng paglapit at pagtulong sa kapwa, lalo na para doon sa mga nakilala natin sa ating mga pag-iikot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ilang halimbawa ng pagbabayanihan sa pamamagitan ng Angat Buhay ang agarang pagkilos ng volunteer groups sa Abra at Ilocos provinces na tumugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng lindol. Bago pa man iyan, nagsagawa rin ng relief operations ang ating magigiting na volunteers para sa apektado ng Banaue landslides. Nariyan din ang mga kabataan sa Maynila na magsasagawa ng kanilang medical mission sa komunidad. Nitong nakaraang Sabado, may individual volunteers na bumisita sa ating Community Learning Hub para magbigay ng mga libro para sa ating learners. Napakaraming p
February 16, 2005. 17 na taon na pala akong papansin na blogger. 17 na taon na din pala akong may online diary pero hindi ko buhay ang nakasulat. 😉 Dati wala pang pera sa blogging, nagsusulat ka lang dahil gusto mong i-share ang opinyon mo o ‘di kaya naman ay trip mo lang, minsan pa nga nagbloblog ka para magpacute sa crush mo. 😉 Mahaba na din pala ang panahong nakasama ko ang mga online friends ko. 😉 dahil sa pagbloblog nagkaroon ako ng mga online friends na magtatanggol sa akin kapag may mga online haters na nang-aaway sa akin.
Dahil 17 years na akong blogger, gusto ko may bago naman. Yung online diary ko siguro dapat kwento naman ng buhay ko ang nakasulat. 😉 ‘yung kahit walang kwenta lang na post basta tungkol sa akin at ‘yung dati na walang pakialam sa $$$. 😉 haha
www.IAmAthan.com
www.KUWADERNO.com
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.