Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons! For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies. Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page. I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊
Kahapon, sumakay ako sa padyak pauwi. Yung driver, 64 years old pero siguro sa hirap ng buhay, mukha na siyang 80. Kaya napatanong ako sa edad. At 40 years na siyang nagpapadyak. Sa kwento ng buhay niyang hirap pero marangal na nagtatrabaho kahit matanda na, nadurog ang puso ko.
May mga sarili nang buhay at pamilya ang mga anak niya. Pero di niya kaya tumigil mag-padyak. Para raw siyang magkakasakit kapag hindi siya nagtatrabaho.
Nakakamangha lang. Hindi siya nawawalan ng lakas ng loob at lakas ng katawan na gawin ang sa tingin niyang dapat niyang gawin habang nabubuhay siya.
Hindi tapos ng pag-aaral si Tatay. Pero may dangal siya. Dinoble ko ang bayad sa pamasahe.
Siguro dahil namamangha ako. Siguro para maibsan yung sakit na naramdaman ko sa puso ko para sa kanya. At sa maraming Pilipino na katulad niya.
Siguro para masabi ko man lang sa sarili ko na sa ganoong paraan, maisampal ko sa mga umaabuso sa gobyerno na may nagagawa ako para sa kapwa ko, kahit wala ako sa pwesto, kahit wala akong kapangyarihan.
Extrang pambayad sa pamasahe lang.
Hindi ko malamang naiangat nang matindi ang buhay ni Tatay sa pagdoble ko ng bayad sa pamasahe. Pero napangiti ko siya kahit papaano.
At naiangat ko rin ang nalulugmok kong puso at diwa mula noong May 9, 2022.
Angat Puso. Angat Buhay. Angat Pilipinas.
Source: Fritzie
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.