Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons! For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies. Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page. I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊
Taon-taon, ginugunita natin ang landas na tinahak tungo sa unang pagkakataon, iwinagayway ang bandila ng Pilipinas: Ang pakikipagsapalaran, ang mga pangalan ng nagsakripisyo, ang lalim ng pagmamahal natin sa bayan. Ito ang ating kasaysayan, isang hiblang nagdurugtong sa mga naunang lumaban, sa mga nawala, sa mga pinalad na makadalo sa unang deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit.
Hinding-hindi mapapatid ang hibla ng kasaysayan– at hanggang ngayon, kinakapitan ito ng bawat Pilipinong naghahangad ng mas maayos na kinabukasan– ano man ang estado niya sa buhay, sa alinmang panig ng mundo. Tandaan: Hindi nakakamtan ang tagumpay sa iisang iglap lamang. Binubuo ito ng sari-saring yugto ng pagod at takot, ng tapang at kadakilaan, ng pagsisikap at pakikibaka. At anumang kalayaan ang nakamtan ng ating mga ninuno ay isang hakbang lamang sa mahabang landas tungo sa pambansang kaganapan– isang landas na tinatahak pa rin natin hanggang ngayon.
Tinatawag tayong magpatuloy, mulat sa lahat ng ating pinagdaanan bilang nagkakaisang bansa. Bilang mga ordinaryong mamamayan, marami tayong puwedeng gawin. Maging bukas at mapagmahal; tumulong sa nangangailangan. Idiin ang tama at makatarungan, at laging igiit ang katotohanan ng kasaysayan. Humugot ng inspirasyon sa isa’t isa, lalo na sa mga nauna. Manindigan sa iisang kuwentong hindi kailanman mababago, maaagaw, o mabubura– kuwentong binibigkis tayo ayon sa kolektibo nating nakaraan, at nagbibigay-lakas para tumungo sa kolektibo ring kinabukasan.
Isang makabuluhang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa inyong lahat. Mabuhay ang Pilipinas, at mabuhay ang mapagpalayang sambayanang Pilipino.
_
ENGLISH TRANSLATION
Happy Independence Day to all!
Every year, we commemorate the path we took to get to the moment the Philippine flag was first waved: The struggle, the names of those who sacrificed, the deep love for country. This is our history, which threads together those who fought before, those who were lost, and those who were fortunate enough to witness the declaration of independence in Kawit.
It is a thread that can never be broken— even now, it holds together Filipinos who dream of a better life, regardless of stature, wherever in the world they may be. It reminds us: Victory is not achieved overnight. It is comprised of many chapters of exhaustion and fear, of courage and greatness, of perseverance and combat. Any freedom that our ancestors might have achieved is but one step in the long path towards national fruition— a journey that we continue to tread until today.
We are called to forge on, aware of all that we have had to go through as a unified nation. As ordinary citizens, there is much we can do. Be open and loving; help those in need. Affirm what is right and true, and assert the truths of our history. Find inspiration in one another, and from those who came before. Stand firm on a story that can never be changed, stolen, erased— a story that binds us according to a collective past, and allows us the strength to march towards a collective future.
I wish everyone a meaningful Independence Day celebration. Long live the Philippines, and long live the liberating Filipino people.
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.