Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons! For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies. Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: š Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) š Museo ng Pag-asa Gift Shop Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page. I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! š
Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat! Taon-taon, ginugunita natin ang landas na tinahak tungo sa unang pagkakataon, iwinagayway ang bandila ng Pilipinas: Ang pakikipagsapalaran, ang mga pangalan ng nagsakripisyo, ang lalim ng pagmamahal natin sa bayan. Ito ang ating kasaysayan, isang hiblang nagdurugtong sa mga naunang lumaban, sa mga nawala, sa mga pinalad na makadalo sa unang deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit. Hinding-hindi mapapatid ang hibla ng kasaysayan– at hanggang ngayon, kinakapitan ito ng bawat Pilipinong naghahangad ng mas maayos na kinabukasan– ano man ang estado niya sa buhay, sa alinmang panig ng mundo. Tandaan: Hindi nakakamtan ang tagumpay sa iisang iglap lamang. Binubuo ito ng sari-saring yugto ng pagod at takot, ng tapang at kadakilaan, ng pagsisikap at pakikibaka. At anumang kalayaan ang nakamtan ng ating mga ninuno ay isang hakbang lamang sa mahabang landas tungo sa pambansang kaganapan– isang landas na tinatahak pa rin natin hanggang ngayon. Tinatawag tayong magpa