Skip to main content

Trending

Angat Bayanihan Meeting Registration

Ngayong araw, nilulunsad namin ang #AngatBayanihan — ito ang ating VOLUNTEER PROGRAM sa Angat Buhay kung saan puwede kayong mag-ambag ng oras, talento, o kahit anong tulong para sa agarang pangangailangan ng ating mga kababayan.  Dito, puwede kang magsagawa ng iba’t ibang klase ng paglapit at pagtulong sa kapwa, lalo na para doon sa mga nakilala natin sa ating mga pag-iikot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.  Ilang halimbawa ng pagbabayanihan sa pamamagitan ng Angat Buhay ang agarang pagkilos ng volunteer groups sa Abra at Ilocos provinces na tumugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng lindol. Bago pa man iyan, nagsagawa rin ng relief operations ang ating magigiting na volunteers para sa apektado ng Banaue landslides. Nariyan din ang mga kabataan sa Maynila na magsasagawa ng kanilang medical mission sa komunidad. Nitong nakaraang Sabado, may individual volunteers na bumisita sa ating Community Learning Hub para magbigay ng mga libro para sa ating learners. Napakaraming p

Tagalog News: Pagwawakas sa child marriage isinusulong ng Bangsamoro Women Commission

LUNGSOD NG COTABATO Okt. 25 (PIA) – Pinalalakas pa ng Bangsamoro Women Commission (BWC) ang pagsusulong sa pagwawakas ng child marriage sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kaugnay nito, isinagawa kamakailan ng BWC ang diskurso patungkol sa ‘Ending Child Marriage’ sa BARMM sa pamamagitan ng zoom.

Pitong mga batang ina mula sa Maguindanao at Lanao del Sur ang lumahok sa nasabing usapin bilang bahagi ng paggunita ng International Day of the Girl.

Ayon kay BWC chairperson at Member of Parliament (MP) Bainon Karon, layunin ng nasabing aktibidad na maisulong ang kapakanan ng mga batang babae sa rehiyon.

Layon din nitong palakasin ang pakikilahok ng kabataang babae sa mga proseso ng paggawa ng desisyon, lalo na sa paggawa ng mga polisiya na tutugon sa isyu ng child marriage sa BARMM.

Dagdag pa ni Karon, ang adbokasiya sa ending child marriage sa rehiyon ay nakalagay sa draft gender and development (GAD) code ng BARMM na nasa huling yugto na ng pagpasa.

Ang BWC ay nakatuon sa pagtataguyod at proteksyon ng karapatang pantao ng mga kababaihan sa rehiyon, kabilang dito ang mga isyu patungkol sa child early and forced marriage. 

Samantala, sinabi ni BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua na pinagtitibay ng pamahalaan ng BARMM ang pangako nitong itataguyod ang kapakanan ng mga batang babae at sisiguraduhing sila ay protektado sa lahat ng panahon, lalo na ngayong panahon ng pandemya.  (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BPI-BARMM).

 

 



source https://pia.gov.ph/news/articles/1056580

Comments

Popular posts from this blog

Bakit Uto-Uto ang mga Pulahan?

Yung tipong habang tumitingin ka sa feed mo may nakita kang nag-share ng mga conspiracy theory. Bakit ba naeenganyo sila? Paniwalang paniwala sila. Basahin ang maikling kasagutan tungkol dito. It makes them feel special and different. It gives them a feeling of being better than others, of having their eyes opened to a 'truth' that others don't see. That's why some call non-believers 'sheeple.' I think it's similar to the feeling we get whenever we learn an obscure yet interesting piece of trivia. The thought of "No one else knows it!" I also think conspiracies appeal to the way humans think, especially now. A desire to search for patterns. There has to be reason and purpose for anything. But this is not right! I still blame the lack of the fundamental research skills that needs to be taught in school. I believe you get to have a full subject on your 4th year, but investigative skills and fact checking should be honed at a young age.

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

FREE 30 books : Gunita - Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura

Please Share ☺️ FREE 30 books and more.. Google Drive Link: bit.ly/3Pe5xA3   "Exactly two months after we started this initiative, we have finally reached the exciting part ✨ We are officially launching Gunita: Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura. It will serve as our online archive of Martial Law-era materials." - Karl Patrick Suyat 🐦Twitter Link πŸ‘‰ https://t.co/irINqVDIHz

Ginusto Niyo 'Yan!

'Di kami nagkamali, we already expected those things to happen... You're making fun of our opinions pero 'di niyo magets na para 'yun sa ikabubuti ng lahat. Now, why so sudden bigla kayong nagreklamo? eh diba ginusto niyo 'yan, honestly dito samin nagsasabing nagsisisi sila sa naboto nila, for me hindi na kasalanan ng mga politiko na naloko nila kayo dahil there are so many evidences na. Pero all of you still chose to be fooled and deceived by them. But it's too late na eh nakaupo na sila sa pwesto na hindi nila deserve. Pero ito na lang... Let our response be, GINUSTO NIYO 'YAN!

Angat Buhay Frames

Ready na ba kayo? ☺️ Tara’t magupdate na ng DP at gamitin ang Angat Buhay frames mula sa Creatives With Leni! Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng pag-asa ‘pag tuloy-tuloy din ang pagsuporta natin sa Angat Buhay NGO! πŸ’—πŸ’™✊πŸ»πŸ‡΅πŸ‡­ FRAMES: https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 #CreativesWithLeni #AngatBuhayLahat #AngatBuhayNGO