
LUNGSOD PASIG, Okt. 18 (PIA) – Patuloy ang pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod Pasig.
Sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, malugod na ibinalita ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagbaba ng tala ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Aniya, mula sa 2,200 active cases nitong buwan ng Agosto, ay bumaba ito sa 360 nitong Oktubre 16, 2020.
Sa kabila ng magandang balita, patuloy pa rin ang paalala ng punong lungsod sa mga residente na patuloy na mag-ingat.
“Pero mas lalo pa tayong mag-ingat para tuluyan nang bumaba ang bilang ng kaso ng Covid,” ani Sotto.
Siniguro rin ni Mayor Sotto na patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagpapaigting ng laban kontra COVID-19.
“Paiigtingin pa natin ang response ng lokal na pamahalaan hanggang matapos ang pandemyang ito.” (Pasig City/PIA-NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1056306
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.