Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Tagalog News: DOST, RSU nagsagawa ng Research & Dev't Conference

Naging matagumpay ang ginanap na Research and Development Conference sa bayna ng Odiongan kamakailan na inorganisa ng Department of Science and Technology sa pakikipagtulungan ng Romblon State University. (Larawan mula sa DOST-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Setyembre 13 (PIA) -- Ginanap ang Research and Development Conference sa bayan ng Odiongan, na inorganisa ng Department of Science and Technology, sa pakikipagtulungan ng Romblon State University noong ika-7 ng Setyembre.

Dinaluhan ng aabot sa 62 katao ang tinawag nilang 'blended conference' dahil 16 sa mga kalahok ay dumalo sa pamamagitan ng video conference, isa umanong paraan para mas maipatupad ang social distancing sa naturang pagtitipon. Ang mga dumalo ay mula sa mga sektor ng akademya, industriya, negosyo, locaL government units (LGUs)/national government agencies (NGAs), at mga mamahayag.

Naging tampok sa nasabing kumperensya ang pagbabahagi ng Romblon State University sa iba't ibang ideya, proyekto at teknolohiya na binuo ng kanilang mga propesor at mga estudyante kabilang na ang ilang produkto  na mula sa mga kawayan. Isa sa mga proyekto ng RSU na gawa sa kawayan ay ang ipinagmamalaki ng College of Engineering and Technology (CET) na Laminated Table Tops.

Ayon kay Dr. Bilshan Servanes, dating Dean CET, ang Bamboo Laminated Table Tops ay makakatulong sa mga paaralan o di kaya ay sa mga opisina na naghahanap ng mga magagandang klaseng lamesa na gawang lokal.

Aniya, ang ilan sa mga table tops na kanilang ginawa ay ginagamit na ngayon ng mga Engineering students ng pamantasan bilang drawing table kapag gumagawa ng mga plano.

Samantala, maliban sa mga ibinahaging ideya at proyekto ng RSU, nagbahagi rin ng mga programa at proyekto ang DOST na makakatulong sa mga dumalong bisita mula naman sa sektor ng pagnenegosyo.

Tinalakay rin sa nasabing kumperensya ang antas ng Research and Development sa probinsya at kung ano pa ang kailangan lalo na ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa.

Sa mensahe ni Dr. Ma. Josefina Abilay, Regional Director ng DOST-Mimaropa, sinabi nito na ang DOST ay handang pakinggan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng sektor para makapagbigay ng teknolohiya na higit na makakatulong sa kanila. (PJF/PIA-Mimaropa)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1053033

Comments

Popular posts from this blog

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Isang Pasasalamat

Sabi nila: “There’s always something to be thankful for.” Kaya ako din may sasabihin! 🤣✌️ Isang pasasalamat! 💗 Sa lahat ng nagmamahal sa akin, maraming salamat po. Sa mga pagtulong sa akin, kahit hindi ko sinasabi, pero ginagawa pa rin, Thank you. Hindi ko man nasasabi personally pero taos puso ang pasasalamat ko sa inyo. Alam kong alam niyo na kung sino kayo. Isa na lang mahihiling ko talaga, ang mapanatili ang genuine and lasting friendship na nabuo natin. 💗 Kung may nasaktan o na-offend ako dahil sa mga paniniwala o pangbubully ko. Humihingi ako ng paumanhin. Kung isa ka sa ma-ooffend ko pa lang. Humihingi na ako agad ng paumanhin. Dahil din sa inyo, may natutunan at matututunan ako. Kung isa ka sa mga nagsasabing suplado ako, pasensiya na. Nagkakamali po kayo. =) Sa mga napasaya ko kahit paano, maraming salamat. Kayo ang magiging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang paglaban ng taas noo at ngiting tagos hanggang puso sa darating pang mga taon. Sa mga nakakamiss sa akin,