Skip to main content

Trending

Angat Bayanihan Meeting Registration

Ngayong araw, nilulunsad namin ang #AngatBayanihan — ito ang ating VOLUNTEER PROGRAM sa Angat Buhay kung saan puwede kayong mag-ambag ng oras, talento, o kahit anong tulong para sa agarang pangangailangan ng ating mga kababayan.  Dito, puwede kang magsagawa ng iba’t ibang klase ng paglapit at pagtulong sa kapwa, lalo na para doon sa mga nakilala natin sa ating mga pag-iikot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.  Ilang halimbawa ng pagbabayanihan sa pamamagitan ng Angat Buhay ang agarang pagkilos ng volunteer groups sa Abra at Ilocos provinces na tumugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng lindol. Bago pa man iyan, nagsagawa rin ng relief operations ang ating magigiting na volunteers para sa apektado ng Banaue landslides. Nariyan din ang mga kabataan sa Maynila na magsasagawa ng kanilang medical mission sa komunidad. Nitong nakaraang Sabado, may individual volunteers na bumisita sa ating Community Learning Hub para magbigay ng mga libro para sa ating learners. Napakaraming p

Panukalang bigyan ng tungkulin ang mga ISPs sa pagsugpo ng human trafficking, isinulong sa Senado 

LUNGSOD CALOOCAN, Set. 8 (PIA) – Isinulong sa Senado ang panukalang magbibigay ng tungkulin sa mga internet service provider (ISPs) na pigilan at harangin ang anumang uri ng trafficking at child pornography.

Ito’y upang masugpo ang lumalalang insidente ng human trafficking na karamihang biktima ay mga kabataan at kababaihan, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, may akda ng panukalang batas.

 Sa ilalim  Senate Bill No. 1794, ang Republic Act No. 9208 na una nang inamyendahan ng Republic Act No. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) ay paiigtingin ang mga pamamaraan ng pagtugis sa anumang uri ng human trafficking, kabilang ang pornograpiya, prostitusyon, pang-aabusong sekswal, forced labor, at pagbebenta ng laman loob.

Sa panukala, maaaring magbigay ang Regional Trial Court ng pormal na kautusan upang siyasatin o i-rekord ang mga mensahe, datos, at impormasyong nagmumula sa isang taong pinaghihinalaan o nakasuhan na ng trafficking. Ngunit bago pahintulutan ito ng korte, dapat munang patunayan ng mga law enforcer o awtoridad na mayroong krimeng naganap, isinasagawa o ‘di kaya’y binabalak dahil maaari silang makulong ng hanggang labing dalawang (12) taon kung walang pahintulot ng korte. 

Isang mahalagang laman ng panukala ay ang pagbibigay mandato sa ISP at tourism-oriented establishments na i-ulat at pigilan ang mga kaso ng trafficking. Ibinibigay na tungkulin sa mga ISP ang pagharang sa anumang uri ng child pornography. Ang mga tourism-related establishments naman magbibigay ng pagsasanay sa kanilang mga empleyado upang matukoy ang mga posibleng insidente ng trafficking sa kanilang mga pasilidad at mai-ulat ang mga ito sa mga awtoridad.

Palalakasin naman ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa sa mga kasalukuyang miembrong ng mga ahensiyang tulad ng National Bureau of Investigation (NBI), Department of Health (DOH), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Transportation (DOTr), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa huling ulat ng IACAT, siyamnapu’t anim (96) na porsyento ng higit limang daang (560) hatol sa mga kaso ng human trafficking mula 2005 hanggang Hunyo ngayong taon ay may kinalaman sa sex trafficking. Sa isang libo at dalawang daang (1,215) naging biktima, halos animnapung (57) porsyento ay mga menor de edad.

Samantala, pinuna rin ni Gatchalian ang pag-akyat ng mga kaso ng online sexual exploitation of children (OSEC) sa bansa mula ng magka-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic. 

Aniya, sa ulat ng Office of Cybercrime ng Department of Justice o DOJ,  umabot sa halos dalawang daan at walumpung libong (279,166) mga kaso ng OSEC na naitala mula Marso 1 hanggang Mayo 24, 2020. Ito ay mas mataas ng dalawang daan at animnapung porsiyento (264%) kung ihahambing sa parehong petsa noong nakaraang taon. Inaasahang tataaas pa ito pag natapos na ang mahigpit na lockdown sa iba’t ibang lugar dahil makakapagsumbong na ang mga biktima.

“Napapanahon nang patatagin natin ang batas upang sugpuin ang human trafficking sa bansa, lalo na’t nakita nating ang mga kabataan at kababaihan ay nasa higit na panganib. Kailangan natin ng mas malakas na sistema para sa pagtugis sa mga criminal at mas malawak na pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng ating gobyerno upang maseguro natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” ani Gatchalian. (PIA-NCR)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1052490

Comments

Popular posts from this blog

Bakit Uto-Uto ang mga Pulahan?

Yung tipong habang tumitingin ka sa feed mo may nakita kang nag-share ng mga conspiracy theory. Bakit ba naeenganyo sila? Paniwalang paniwala sila. Basahin ang maikling kasagutan tungkol dito. It makes them feel special and different. It gives them a feeling of being better than others, of having their eyes opened to a 'truth' that others don't see. That's why some call non-believers 'sheeple.' I think it's similar to the feeling we get whenever we learn an obscure yet interesting piece of trivia. The thought of "No one else knows it!" I also think conspiracies appeal to the way humans think, especially now. A desire to search for patterns. There has to be reason and purpose for anything. But this is not right! I still blame the lack of the fundamental research skills that needs to be taught in school. I believe you get to have a full subject on your 4th year, but investigative skills and fact checking should be honed at a young age.

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

FREE 30 books : Gunita - Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura

Please Share ☺️ FREE 30 books and more.. Google Drive Link: bit.ly/3Pe5xA3   "Exactly two months after we started this initiative, we have finally reached the exciting part ✨ We are officially launching Gunita: Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura. It will serve as our online archive of Martial Law-era materials." - Karl Patrick Suyat 🐦Twitter Link 👉 https://t.co/irINqVDIHz

Ginusto Niyo 'Yan!

'Di kami nagkamali, we already expected those things to happen... You're making fun of our opinions pero 'di niyo magets na para 'yun sa ikabubuti ng lahat. Now, why so sudden bigla kayong nagreklamo? eh diba ginusto niyo 'yan, honestly dito samin nagsasabing nagsisisi sila sa naboto nila, for me hindi na kasalanan ng mga politiko na naloko nila kayo dahil there are so many evidences na. Pero all of you still chose to be fooled and deceived by them. But it's too late na eh nakaupo na sila sa pwesto na hindi nila deserve. Pero ito na lang... Let our response be, GINUSTO NIYO 'YAN!

Angat Buhay Frames

Ready na ba kayo? ☺️ Tara’t magupdate na ng DP at gamitin ang Angat Buhay frames mula sa Creatives With Leni! Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng pag-asa ‘pag tuloy-tuloy din ang pagsuporta natin sa Angat Buhay NGO! 💗💙✊🏻🇵🇭 FRAMES: https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 #CreativesWithLeni #AngatBuhayLahat #AngatBuhayNGO