Skip to main content

Trending

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

Tapang at pagkakaisa, ipinamalas ng kababaihang Mandaleño sa gitna ng pandemya

Mga kababaihang parent- leaders ng 4Ps mula saMandaluyong na buo ang loob at walang takot na sumuong sa panganib upang makatulong sa kapwa at pamahalaan. (larawan kuha ng DSWD-NCR)

May 100 kababaihang parent leader ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) sa Lungsod Mandaluyong ang nagpamalas ng tapang at pagkakaisa  upang makatulong sa kanilang komunidad sa gitna ng panganib dulot ng pandemyang bunsod ng coronavirus disease.

Sama- sama silang kumilos upang maghatid serbisyong may puso at malasakit upang matulungan ang mga kapwa Mandaleñong nasa laylayan ng lipunan.

Sa mga pampublikong Gawain,  naging katuwang sila ng lokal na pamahalaan sa isinagawang malawakang balidasyon upang masegurong ang makatatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) na ayudang pinansiyal ay karapatdapat  o mga pamilyang tunay na mahihirap at lubhang naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Dahil sa kanilang pagtulong, naging mabilis at maayos ang pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan ng Mandaluyong.

Sa mga unang bahagi ng lockdown,  naging katuwang din ng Lungsod Mandaluyong ang mga parent leader sa pag-empake at pamimigay ng relief goods, sa paglilinis ng kapaligiran at sa iba pang gawaing komunidad.

Hindi bago sa mga parent leader ang pagtulong sa komunidad dahil bahagi ito ng kanilang tungkulin na pangunahan ang kapwa nilang mga benipisyado ng Pantawid Pamilya na makabangon sa kanilang pagkalugmok sa kahirapan.

Naging responsable di sila sa balidasyon ng mga mga listahan ng benipisyado na tatanggap ng ayuda mula sa SAP.

Batid ng lahat sa lungsod ang kanilang walang pangimi at agarang pagtugon sa tawag ng nangangailangang komunidad lalo na sa panahon ng krisis.

Maasahan ang kanilang puwersa sa tuwing magkakaroon ng mga hindi inaasahang kalamidad sa siyudad gaya na lamang ng sunog at baha.

Ngunit iba ang panahon ng COVID-19 na pandemya, matindi ang banta ng nakahahawang sakit na sa maling pagkilos ay buhay nila o miyembro ng kanilang pamilya ang manganganib.

Sa gitna ng dinaranas na pandemya ay nag-uumapaw pa rin ang kanilang pagnanais na makatulong tungo sa magandang pagbabago ng lipunang ngayon ay nalugmok ng pandemya.

Sa dinaranas na pandemya,  sinubok ang  katatagan ng kanilang kalooban, paniniwala at dedikasyon sa paglilingkod. Dito nila naranasan na mabatikos, malait at awayin ng mga taong kanila mismong tinutulungan. Ngunit hindi ito naging hadlang upang magampanan nila ang kanilang mga niyakap na tungkulin. Pinairal nila ang pagpapakumbaba at pagkakaroon ng mahabang pasensya dahil ayon sa kanila ay ramdam  nila ang dinaranas ng kanilang mga kapuwa kapos sa buhay.

Tunay na nakakamangha at hindi matutumbasan ng kahit na anuman ang sakripisyong ipinamalas nitong mga parent leader ng Lungsod Mandaluyon. Hindi nila inalintana ang pangambang dulot ng pandemya sa kanilang kalusugan at ang mga negatibong kritisismong kanilang natatanggap mula sa mga taong kanila mismong pinaglilingkuran.

Serbisyong may puso at malasakit, at anila'y 'driven by passion' ang hatid ng mga kababaihang Mandalenyo.

Anila,“driven by passion”, ang prinsipyong patuloy na mangingibabaw sa kanilang puso at isipan upang patuloy silang makapagsilbi sa bayan.

Patuloy din nilang pinanghahawakan ang layuning gumawa ng marami pang kabutihan para sa kanilang kapuwa at sa bayan. Mithiin nilang mamayani  ang diwa ng pagmamalasakitan sa bawat isa na siyang magiging daan sa mabilis at sama-samang pagkilos tungo sa paghihilom ng ating bayan mula sa pangkalusugang krisis dulot ng pandemyang  COVID-19.

Tunay na nagagalak at ipinagmamalaki ng Lungsod Mandaluyong at ng Depaprtment of Social Welfare and Development ang mga katulad nilang miyembro ng Programa na responsableng ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Sila ang nagsisilbing daluyan ng positibong pagbabago at inspirasyon upang sama-sama tayong makabangon tungo sa maunlad, masagana at mapayapang pamayanan. (lPIA-NCR).



source https://pia.gov.ph/news/articles/1049785

Comments

Popular posts from this blog

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

Republic Act No. 11313 or The Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law)

REPUBLIC ACT No. 11313 An Act Defining Gender-Based Sexual Harassment in Streets, Public Spaces, Online, Workplaces, and Educational or Training Institutions, Providing Protective Measures and Prescribing Penalties Therefor Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the Philippine Congress assembled: Section 1. Short Title. -This Act shall be known as the "Safe Spaces Act". Section 2. Declaration of Policies. -It is the policy of the State to value the dignity of every human person and guarantee full respect for human rights. It is likewise the policy of the State to recognize the role of women in nation-building and ensure the fundamental equality before the law of women and men. The State also recognizes that both men and women must have equality, security and safety not only in private, but also on the streets, public spaces, online, workplaces and educational and training institutions. Section 3. Definition of Terms. -As used in this Act: (a)

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Bakit Uto-Uto ang mga Pulahan?

Yung tipong habang tumitingin ka sa feed mo may nakita kang nag-share ng mga conspiracy theory. Bakit ba naeenganyo sila? Paniwalang paniwala sila. Basahin ang maikling kasagutan tungkol dito. It makes them feel special and different. It gives them a feeling of being better than others, of having their eyes opened to a 'truth' that others don't see. That's why some call non-believers 'sheeple.' I think it's similar to the feeling we get whenever we learn an obscure yet interesting piece of trivia. The thought of "No one else knows it!" I also think conspiracies appeal to the way humans think, especially now. A desire to search for patterns. There has to be reason and purpose for anything. But this is not right! I still blame the lack of the fundamental research skills that needs to be taught in school. I believe you get to have a full subject on your 4th year, but investigative skills and fact checking should be honed at a young age.

Ginusto Niyo 'Yan!

'Di kami nagkamali, we already expected those things to happen... You're making fun of our opinions pero 'di niyo magets na para 'yun sa ikabubuti ng lahat. Now, why so sudden bigla kayong nagreklamo? eh diba ginusto niyo 'yan, honestly dito samin nagsasabing nagsisisi sila sa naboto nila, for me hindi na kasalanan ng mga politiko na naloko nila kayo dahil there are so many evidences na. Pero all of you still chose to be fooled and deceived by them. But it's too late na eh nakaupo na sila sa pwesto na hindi nila deserve. Pero ito na lang... Let our response be, GINUSTO NIYO 'YAN!