
ABRA DE ILOG, Occidental Mindoro, Agosto 15 (PIA) -- Pitumpu’t-limang benepisyaryo ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) programa ng Department of Agriculture (DA) – Mimaropa ang nabigyan ng 750 manok (native chicken) sa bayan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Sa kabuuan, ipinamahagi ang 675 na inahing manok at 75 naman ang tandang.
Layunin ng programa ng SAAD na tulungan na maiangat ang kabuhayan ng mga benepisyaryong katutubo sa lalawigan. Mula sa mga dalawang barangay ng Brgy. Udalo at Brgy. Balao, 75 katutubo ng tribo ng Iraya- Mangyan ang nabigyan ng pangkabuhayang manukan.
Bawat benepisyaryo ay nabigyan ng tig-siyam na babaeng manok (pullet) at isang tandang (rooster). Sa kabuuan, tumanggap din sila ng 175 bags ng cracked corn at 170 bags ng darak o rice bran bilang pangsuporta sa pag-aalaga ng unang cycle ng manok.
Sa Brgy. Udalo, 90 bag ng cracked corn at 85 bag ng darak ang ipinamahagi. Samantala, sa Brgy. Balao nama’y tumanggap ang mga benepisyaryo ng 85 bags ng cracked corn at 85 bags naman ang darak.
Pinangunahan ni Municipal Agriculture Office (MAO) Julius Judelito Amodia ang distribusyon ng mga alagaing manok at patuka sa Brgy. Balao katuwang ang mga SAAD Area Coordinators. Sa Brgy. Udalo nama’y pinamahalaan ni Kapitana Ofelia Silan ang pamamahagi.
Tinanggap ng mga benepisyaryong katutubong Iraya-Mangyan, na nagpahayag ng pasasalamat sa dagdag kabuhayan na ipinagkaloob sa kanila ng Kagawaran.
“Malaki ang pasasalamat ko sa DA lalong-lalo na sa SAAD sa manukan na ipinagkatiwala nila. Ang mga ito ay malaking tulong para sa amin na nakatira sa Dita upang mapalago ang kabuhayan at madagdagan ang kabuhayang ng mga mamamayan lalo na ang mahihirap”, ayon kay Felix Avenido, residente sa Brgy. Udalo, Camurong, Sitio Dita.
Nagpasalamat din si Edmar Fenis ng Sitio Lukutan, Brgy Udalo dahil sa tinaggap niyang manok.
Sa pamamahagi ng mga native na manok at patuka sa mga katutubong mangyan, naging katuwang ang mga SAAD Area Coordinators na sina Jhonzell Panganiban, Wily Adrian Vergara at Ian Von Yadao. (LC/PIAMimaropa/Calapan)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1049756
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.