Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Tagalog News: Bayanihan 2, aagapay sa pagbangon ng mga negosyo

LUNGSOD NG MALOLOS, Agosto 16 (PIA) -- Makikinabang sa Bayanihan to Recover as One bill, na kilala bilang Bayanihan 2, ang mga negosyong higit na naapektuhan ng ipinairal na community quarantine mula noong Marso.
 
Iyan ang ibinalita ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa naging pagbisita sa Bulacan kasama ang iba pang kalihim na bahagi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
 
Madadagdagan pa aniya ang inisyal na isang bilyong piso na inilaan para sa buong sistema ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises or CARES kung saan sa Bulacan, umaabot na sa anim na milyong piso ang halaga ng naipapahiram na puhunan upang makapagsimula muli ang unang 33 negosyong benepisyaryo.
 
Binigyang diin ni Lopez na nasa limang bilyong piso ang target ng DTI na maidagdag na sa ipinapahiram ng Small Business o SB Corporation oupang mas maraming negosyo partikular na ang mga micro, small and medium enterprises o MSMEs ang matulungang makabangon.
 
Sa pamamagitan ng programang CARES, makakahiram ang mga MSMEs na may ari-ariang nagkakahalaga ng 3 milyong piso ng mula sa halagang 10 hanggang 200 libong piso habang ang may negosyong may halagang 15 milyong piso ay pwedeng humiram ng hanggang 500 libong piso.
 
Wala itong interes para sa mga 17 buwang pababa na loan terms habang may anim na porsyento na service fee para sa mga 18 buwan na loan terms at walong porsyento  naman sa 30 buwan na loan terms.

Panayam ng media kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa pagtatapos ng pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at Bulacan Provincial Task Force against COVID-19. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Ipinaliwanag pa ni Lopez na bukod sa karagdagang pondo para sa SB Corporation, nakipagkasundo ang DTI sa Land Bank of the Philippines o LBP at Development Bank of the Philippines o DBP kaugnay ng mas pinalawak na pag-agapay sa mga naapektuhang MSMEs. Dahil dito, may partikular na probisyon aniya ang Bayanihan 2.
 
Base sa parehong bersyon ng Senado at Kamara, may halagang 50 bilyong piso ang isinama sa mga probisyon ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, para sa karagdagang kapital ng mga government financial institutions na nagpapahiram ng puhunan sa mga MSMEs.
 
Nakapaloob dito ang 30 bilyong piso ara sa LBP, 15 bilyong piso para sa DBP at 5 bilyong piso para sa Philippine Guarantee Corporation.
 
Iba pa rito ang 20 bilyong piso para sa mga sabsidiya at pautang sa ilalim ng mga programa ng Agricultural Credit Policy Council ng Department of Agriculture para naman sa mga agri-entrepreneur.
 
Samantala, ibinalita rin ng kalihim na may inilaan din sa Bayanihan 2 na 10 bilyong piso para sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority para tulungan ang pagbangon ng mga nasa industriya ng turismo partikular na sa probisyon ng mga kailangang imprastraktura. (CLJD/SFV-PIA 3)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1050446

Comments

Popular posts from this blog

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

MUSIC here!

Home   |   Donate   |   myServices   |   Chat!   |   Why not JOIN the MAILING List   |   myAccounts   |   MUSIC!   |   GAMES! BaguioMusiCommunity http://baguiomusiccommunity@groups.msn.com setAdGroup('203.213.197.91'); <!-- // Cache-busting LUBID bug. var ran = Math.round(Math.random() * 899999) + 100000; var lubid_string = " "; document.write(lubid_string); //--> var cm_role = "live" var cm_host = "tripod.lycos.com" var cm_taxid = "/memberembedded" var objAdMgr = new AdManager(); if(adChannel != "") { objAdMgr.setForcedParam("google_ad_channel", adChannel); } var strProdSetName = objAdMgr.chooseProductSet(); objAdMgr.renderHeader(); <!-- launchSidebar('(none)', '(none)'); if (!displayAd()) document.write("<!" + "--"); //--> if (objAdMgr.isSlotAvailable("leaderboard2")) { objAdMgr.renderSlot("leaderboard2") } <!-- window.onload = function () {

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!