Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: πŸ›’ Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) πŸ›’ Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Patakaran sa paggamit ng face shield dapat linawin--Gatchalian

Kuha mula sa Tanggapan ni Senator Win Gatchalian 

LUNGSOD CALOOCAN, Agosto 26 (PIA) -- Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na linawin ang mga patakaran nito hinggil sa paggamit ng face shields.

Ani Gatchalian, ito ay upang maiwasan ang kalituhan ng publiko, lalo na at iba-iba ang patakaran ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng face shields.

Kung malinaw ang ebidensyang napipigilan ng face shields ang pagkalat ng COVID-19, kailangang may iisang patakaran ang lahat ng sektor sa paggamit nito, giit ng senador.

“Hindi naman pwedeng pagpunta mo sa Taguig nakasauot ka ng face shield tapos pagpunta mo sa Valenzuela hindi naman pala kailangan. Ang konsepto nga dito ay mabawasan natin yung pagkalat ng COVID-19 sa buong bansa. Wala pang patakaran ngayon, kaya hinihimok ko ang IATF na magkaroon ng malinaw na polisiya sa face shields dahil nalilito ang mga tao,” pahayag ni Gatchalian.

Kamakailan ay naglabas na ng kani-kaniyang patakaran ang Department of Transportation (DOTr), Department of Trade and Industry (DTI), at ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa paggamit ng face shields. Dahil dito, kailangan nang magsuot ang mga mamamayan ng face shield sa mga pampublikong sasakyan at sa kanilang mga trabaho.

Samantala, patuloy namang pinag-uusapan sa IATF kung kakailanganin na ba ang pagsuot ng face shields sa lahat ng mga pampublikong lugar.

Ayon kay Gatchalian dapat ding suriin nang mabuti ang presyo nito lalo na’t aabot na ng malaking halaga kapag bumili ng face shields sa lahat ng miyembro ng pamilya.  Pero ayon sa DTI at sa Department of Health (DOH), ang suggested retail price ng kada isang face shield ay hindi dapat lalagpas sa limampung piso (P50).

“Ang presyo ng face shields iba-iba, may 50 pesos, may 100 pesos, may 200 pesos at nagiging isyu ito sa ating mga kababayan,” ani Gatchalian. 

Paliwanag ng DOH, hindi dapat gamitin ang mga face shields bilang pamalit sa mga face masks. Sa halip, dapat itong magsilbing dagdag prokeyson upang maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19. (PIA NCR)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1051310

Comments

Popular posts from this blog

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: πŸ›’ Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) πŸ›’ Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Isang Pasasalamat

Sabi nila: “There’s always something to be thankful for.” Kaya ako din may sasabihin! 🀣✌️ Isang pasasalamat! πŸ’— Sa lahat ng nagmamahal sa akin, maraming salamat po. Sa mga pagtulong sa akin, kahit hindi ko sinasabi, pero ginagawa pa rin, Thank you. Hindi ko man nasasabi personally pero taos puso ang pasasalamat ko sa inyo. Alam kong alam niyo na kung sino kayo. Isa na lang mahihiling ko talaga, ang mapanatili ang genuine and lasting friendship na nabuo natin. πŸ’— Kung may nasaktan o na-offend ako dahil sa mga paniniwala o pangbubully ko. Humihingi ako ng paumanhin. Kung isa ka sa ma-ooffend ko pa lang. Humihingi na ako agad ng paumanhin. Dahil din sa inyo, may natutunan at matututunan ako. Kung isa ka sa mga nagsasabing suplado ako, pasensiya na. Nagkakamali po kayo. =) Sa mga napasaya ko kahit paano, maraming salamat. Kayo ang magiging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang paglaban ng taas noo at ngiting tagos hanggang puso sa darating pang mga taon. Sa mga nakakamiss sa akin,