Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Bagong ‘dine-in’ guidelines sa panahon ng pandemya sa Makati, inihayag ng alkalde

LUNGSOD CALOOCAN, Aug. 22 (PIA) -- Inanunsyo nitong Biyernes ni Makati City Mayor Abby Binay ang bagong guidelines ukol sa ‘dine-in’ services na ipapatupad sa tuwing isasailalim sa state of calamity, public health emergency o katulad na emergency declarations ang lungsod ng Makati.

Ani Mayor Abby, sisimulang ipatupad sa August 31, 2020 ang City Ordinance No. 2020-165 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod nitong Miyerkules kaugnay ng layuning maagap na pigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit, pandemya, epidemya, at iba pang uri ng outbreak sa lungsod.

Kaugnay nito, hinimok ng alkalde ang mga may-ari ng mga food business na may dine-in services na mahigpit na sumunod sa mga itinakdang alituntunin ng ordinansa. Kabilang dito ang mga restaurant, fast food establishments, canteens, food courts, food parks, karinderya at iba pang kainan na may dine-in services.

Paliwanag niya, isinusulong ng ordinansa ang kaligtasan ng mga mamamayan at iba pang mga kostumer, pati na ang kapakanan ng mga empleyado ng food establishments sa lungsod.

"Bagamat nauunawaan ng pamahalaang lungsod na kailangan nilang kumita upang malagpasan ang krisis, mangingibabaw pa rin ang kahalagahan ng kalusugan at kaligtasan ng publiko," diin ni Binay.

Batay sa ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal ang dine-in services kapag ang lungsod ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Kapag nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), maaaring mag-operate nang hanggang 30 porsiyento ng dine-in services, sa kondisyong mahigpit na maipatupad ang minimum public health standards, social distancing protocols, at mga karagdagang guidelines na itinakda ng ordinansa.

Sa ilalim naman ng General Community Quarantine (GCQ), papayagan ang hanggang 50 porsiyento ng dine-in services, kasabay ng mahigpit na pagsunod sa mga itinakdang pamantayan, protocols at guidelines patungkol sa COVID-19. Para sa Modified General Community Quarantine, papayagan ang hanggang 75 porsiyento ng dine-in services na may katulad na mga kondisyong nabanggit.

Nakasaad din sa ordinansa ang karagdagang safe dining guidelines, tulad ng paglalagay ng rubbing alcohol o hand sanitizers sa entrance ng mga establisyimento para magamit ng mga empleyado, supplier, at kostumer bago sila pumasok. Mahigpit ding ipapatupad ang “no face mask, no entry” policy, kasama ang thermal scanning ng lahat ng pumapasok sa estalisyimento. Ang mga taong may temperaturang mataas sa 37.5 degrees Celsius ay hindi maaaring papasukin.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng parusa ayon sa sumusunod: Temporary closure for three days at multang P5,000 sa first offense; at P5,000 at isang buwang temporary closure sa second offense. Ang ikatlo at mga susunod na paglabag ay papatawan ng pagkakasara nang hindi lalagpas sa isang taon, kasama ang P5,000 multa, o pagkakabilanggo nang hindi lalagpas sa isang taon, o parehong ipapataw ayon sa desisyon ng korte.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng ordinansa ang pagbubukas ng mga bar sa mga panahon ng kalamidad o emergency.

Pinapayagan naman ng ordinansa ang pag-serve ng lahat ng uri ng pagkain at inumin, kabilang ang alcoholic beverages, subalit nagtatakda ito ng maximum amount para sa bawat uri ng inumin na kasama ng pagkaing inorder na maaaring makonsumo sa loob ng dalawang oras.

Para sa wine, hanggang dalawang wine glasses lamang bawat tao, o maximum na isang 750 ml bottle ng wine para sa dalawang diners. Sa beer, hanggang dalawang pirasong tig-330 ml na bote, o dalawang basong beer na katumbas ng nasabing volume bawat kostumer. Para sa ibang inumin tulad ng cocktail, hanggang dalawang servings bawat kostumer ang pwedeng ibigay.

Ang pagkonsumo ng alcohol ng “in bulk”, “in pitchers”, “in buckets”, o “in cases” ay mahigpit na ipinagbabawal.

Tanging ang mga rehistradong food establishment lamang ang pwedeng mag-serve ng alcoholic drinks sa nabanggit na quantity kasama ang inorder na pagkain. Bawal bumili ang kostumer ng pagkain sa labas ng establishment upang ito ay kainin kasabay ng biniling alcoholic beverage. Hindi rin maaaring samahan ng alak o anumang alcoholic beverage ang pagkaing take-out.

Matatandaang ipinasa rin kamakailan ang City Ordinance No. 2020-152, na nagbabawal ng pag-inom ng alak sa labas ng sariling pamamahay sa panahon ng pandemya o katulad na krisis.

Ang mga lalabag dito ay papatawan ng multang P5,000 sa first offense; P5,000 o pagkakakulong nang hindi lalagpas sa isang buwan, o pareho, sa second offense; at P5,000 multa o pagkakakulong nang hindi lalagpas sa isang taon, o parehong ipapataw, sa ikatlo at mga susunod na offense. (PIA NCR)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1051002

Comments

Popular posts from this blog

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

MUSIC here!

Home   |   Donate   |   myServices   |   Chat!   |   Why not JOIN the MAILING List   |   myAccounts   |   MUSIC!   |   GAMES! BaguioMusiCommunity http://baguiomusiccommunity@groups.msn.com setAdGroup('203.213.197.91'); <!-- // Cache-busting LUBID bug. var ran = Math.round(Math.random() * 899999) + 100000; var lubid_string = " "; document.write(lubid_string); //--> var cm_role = "live" var cm_host = "tripod.lycos.com" var cm_taxid = "/memberembedded" var objAdMgr = new AdManager(); if(adChannel != "") { objAdMgr.setForcedParam("google_ad_channel", adChannel); } var strProdSetName = objAdMgr.chooseProductSet(); objAdMgr.renderHeader(); <!-- launchSidebar('(none)', '(none)'); if (!displayAd()) document.write("<!" + "--"); //--> if (objAdMgr.isSlotAvailable("leaderboard2")) { objAdMgr.renderSlot("leaderboard2") } <!-- window.onload = function () {

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!