Skip to main content

Trending

Never Again! Never Forget!

Why does it matter?  Can't we move on? There is a thin line between moving forward and forgetting. The occurrence of collective amnesia did not happen only by mistake or overnight. Correctly remembering what happened during Martial Law is important, especially amidst ongoing conversations that attempt to revise history. While others have made attempts through social media platforms to cement the Martial Law's place in our cultural memory, we have a clear social responsibility to be accountable for our actions and be conscious of its impact on others and in our communities. Truths are learned to be remembered and not to be forgotten. There is nothing wrong with forgiving and moving forward, but what makes things hard to digest is when accountability is neglected. In that case, chances are, Filipinos will find it hard to value, defend, and promote our freedom. To be reminded to #NeverForget does not necessarily mean holding a grudge until our very last breath. It will

Tagalog News: PNP, nagsagawa ng inspeksyon sa mga tindahan ng segunda manong sasakyan 

Personal na ininspeksiyon ni RHPU Chief P/LtCol Erwin Rebellon ang chassis at engine number ng sasakyan upang malaman kung kabilang sa mga 'hot cars' na may record sa kanilang tanggapan ang ibinebenta sa lungsod ng Calapan sa isinagawa nilang 'One Time Big Time' operation noong Hulyo 3. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hul. 5 (PIA) -- Upang masiguro na hindi mga carnap na sasakyan at chop-chop na piyesa ang mga ibinebenta sa mercado sa lungsod ng Calapan, nag inspeksiyon ang PNP Regional Highway Patrol Unit Mimaropa sa pamumuno ni P/LtCol Erwin L. Rebellon sa mga nagtitinda ng segunda manong sasakyan at surplus engines noong ng Hulyo 3.

Ang nasabing operasyon ay nagmula sa ibinabang utos mula sa punong tanggapan ng PNP Highway Patrol Group sa Camp Crame na kung saan dapat na ipatupad ang PD1612 o Anti-Fencing Law of 1979 at RA 10883, ang New Anti-Carnappig Act upang maiwasan ang pagbebenta ng mga nakaw na sasakyan at piyesa sa taongbayan.

Ayon kay Rebellon, "Aming iikutin ang mga tindahan, hindi lamang sa buong lalawigan kundi sa buong rehiyon para matukoy ang gumagawa ng mga iligal na gawain at papanagutin sa batas."

Sa isinagawa nilang pagiikot sa lungsod, kanilang ininspeksiyon ang dalawang nagbebenta ng mga used cars gayundin sa tatlong nangangalakal ng mga piyesa ng makina at isang talyer. Bukod sa mga sasakyan at piyesa, kanila din tiningnan ang mga business permit ng tindahan at resibo ng mga na-deliver na piyesa na karamihan galing sa Manila. Sa huli ay wala naman aniya silang nakitang lumabag.

"Ang Mimaropa ay gateway patungong Visayas at Mindanao kung saan ay maari nilang ipuslit ang mga nakaw na sasakyan sa ating rehiyon at pagbebenta ng mga chop-chop na piyesa kaya mahigpit ang aming isinasagawang pagmo-monitor sa mga nasabing merkado. Itong aming operasyon ay para din sa kasiguruhan ng kanilang hanapbuhay upang maaga pa lamang ay mahuli na ang mga nambibiktima sa ganitong mga iligal na gawain," pagtatapos na mensahe ni Rebellon.

Samantala, ilang oras bago isinagawa ang OTBT operation, nag lockdown sila sa Camp Efigenio C Navarro upang inspeksiyunin ang sasakyan ng mga pulis na lumalabas at pumapasok sa kampo kung sila ba ay sumusuod sa batas trapiko. Ayon kay Provincial Highway Patrol Team Leader PCpt Edgardo Lim, tinekitan nila ang 10 pulis dahil umano sa pagdadala ng sasakyan na walang plaka, pagsusuot ng mga hindi otorisadong helmet at iba pa na siyang paglabag sa RA 4136 na may kaugnayan sa batas trapiko.

Sa pahayag ni Lim, “kaming mga pulis ang dapat maging halimbawa sa pagsunod sa batas ngunit nakakalungkot na kapwa pa namin ang nakitaan ng pagsuway kaya dapat din naming silang tiketan dahil ang batas para sa lahat at wala dapat kinikilingan."

Sa huli, marami din naman aniya sa kanilang mga kabaro ang sumusunod sa batas na siya naman ikinatuwa ng nasabing support group ng kapulisan. (DN/PIA-OrMin)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1046692

Comments

Popular posts from this blog

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

Bakit Uto-Uto ang mga Pulahan?

Yung tipong habang tumitingin ka sa feed mo may nakita kang nag-share ng mga conspiracy theory. Bakit ba naeenganyo sila? Paniwalang paniwala sila. Basahin ang maikling kasagutan tungkol dito. It makes them feel special and different. It gives them a feeling of being better than others, of having their eyes opened to a 'truth' that others don't see. That's why some call non-believers 'sheeple.' I think it's similar to the feeling we get whenever we learn an obscure yet interesting piece of trivia. The thought of "No one else knows it!" I also think conspiracies appeal to the way humans think, especially now. A desire to search for patterns. There has to be reason and purpose for anything. But this is not right! I still blame the lack of the fundamental research skills that needs to be taught in school. I believe you get to have a full subject on your 4th year, but investigative skills and fact checking should be honed at a young age.

FREE 30 books : Gunita - Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura

Please Share ☺️ FREE 30 books and more.. Google Drive Link: bit.ly/3Pe5xA3   "Exactly two months after we started this initiative, we have finally reached the exciting part ✨ We are officially launching Gunita: Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura. It will serve as our online archive of Martial Law-era materials." - Karl Patrick Suyat 🐦Twitter Link 👉 https://t.co/irINqVDIHz

Ginusto Niyo 'Yan!

'Di kami nagkamali, we already expected those things to happen... You're making fun of our opinions pero 'di niyo magets na para 'yun sa ikabubuti ng lahat. Now, why so sudden bigla kayong nagreklamo? eh diba ginusto niyo 'yan, honestly dito samin nagsasabing nagsisisi sila sa naboto nila, for me hindi na kasalanan ng mga politiko na naloko nila kayo dahil there are so many evidences na. Pero all of you still chose to be fooled and deceived by them. But it's too late na eh nakaupo na sila sa pwesto na hindi nila deserve. Pero ito na lang... Let our response be, GINUSTO NIYO 'YAN!

Angat Buhay Frames

Ready na ba kayo? ☺️ Tara’t magupdate na ng DP at gamitin ang Angat Buhay frames mula sa Creatives With Leni! Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng pag-asa ‘pag tuloy-tuloy din ang pagsuporta natin sa Angat Buhay NGO! 💗💙✊🏻🇵🇭 FRAMES: https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 #CreativesWithLeni #AngatBuhayLahat #AngatBuhayNGO