
PUERTO PRINCESA, Palawan, Hul. 16 (PIA) -- Hinihikayat ngayon ng Puerto Princesa City Agriculture Office (PPCAO) ang mga mamamayan na iangat at palawakin ang produksyon ng kasuy.
Bunsod nito, namamahagi ang PPCAO ng libreng buto ng kasuy na pananim para sa mga interesadong magtanim, depende sa lawak ng kanilang lupang pagtatamnan.
Nasa 100 seedlings ang ipinamimigay ng opisina para sa isang indibiduwal na mayroong isang ektaryang lupain.
Samantala, bilang kondisyon, kinakailangan lamang na tiyaking aalagaang mabuti ang tanim upang hindi masayang at makaambag sa minimithing malawak na produksiyon ng kasuy sa lungsod.
Pinapayuhan lamang ang mga nagnanais na makakuha ng libreng paninanim na pumunta lamang sa nursery area ng PPCAO sa bahagi ng Barangay Tiniguiban.
Ang produktong kasuy ay itinataguyod ng lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa sa ilalim ng ‘One Town, One Product’ (OTOP).
Ang lalawigan naman ang siyang tinaguriang ‘Cashew Capital’ ng bansa. (LBD/PIAMIMAROPA)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1047713
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.