
BONGABONG, Oriental Mindoro, Hul. 27 (PIA) -- Nagkawang-gawa ang Bongabong Municipal Police Station (MPS) sa 12 kasapi ng Persons with Disability (PWD) o may kapansanan sa bayan na ito nang kanilang dalhin ang mga ito isang kilalang fastfood chain noong Hulyo 23.
Ayon kay PMaj Teofilo B Awingan, Acting Chief-of-Police (ACOP) ng nasabing himpilan ng pulisya, “Gusto namin ipagdiwang ngayong buwan ng PCR (Police Community Relations) na kasama ang mga may kapansanan sa pamamagitan ng salo-salong pananghalian upang maramdaman nila na ang pulis ay kanilang kakampi sa lahat ng oras.”
Aniya, ang mga PWD ay apektado din ng pandemya dulot ng COVID-19 kaya sa ganitong paraan nais nilang ipadama na sila ay mahalaga sa lipunan na kanilang ginagalawan.
Ngayong buwan ang selebrasyon ng ika-25 taon ng Police Community Relations (PCR), at ang pagdiriwang ay may temang ‘Pinaigting na uganayan ng mamamayan at pulisya, laban sa COVID19 pandemya'.
Ika-10 ng umaga nang sunduin ng mobile patrol ang mga PWDs mula sa kani-kanilang mga tahanan upang magtungo sa Jollibee Roxas. Pinaigting din ng mga pulis ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-agwat ng ilang metro, gayundin ang pag-check ng kanilang temperatura at tamang paghuhugas ng kamay.
Bakas sa mukha ng mga benepisyaryong PWD ang tuwa at lubos na pasasalamat sa hanay ng kapulisan. Matapos kumain ay nag take-out pa sila mula din sa nasabing food chain gayundin ay pinagkalooban pa sila ng food pack na naglalaman ng bigas, noodles at iba pa.
“Layunin ng Philippine National Police (PNP) ay palakasin ang ugnayan namin sa mamamayan lalo’t-higit sa mga kapos-palad nating mga kababayan, nang sa gayon ay hindi nila maramdaman na sila ay pinagsasamantalahan ng lipunan at kami ang maaring tumulong sa kanila,” pagtatapos ni Awingan. (DN/PIA-OrMin)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1048627
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.