
LUNGSOD PARAÑAQUE, Hulyo 16 (PIA) -- Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng ng Parañaque ang pamamahagi ng debit card sa mga pamilya na benipisyaryo ng ‘Paraña-Cash’, Miyerkules, Hulyo 15.
Si Mayor Edwin Olivarez ang personal na naguna na pamamahagi ng 'Paraña-Cash card’ sa mga residente mula sa Barangay Vitalez at Barangay Baclaran.
Sa ilalim ng programang ‘Paraña-Cash', makakatanggap ang mga residente ng lungsod ng P5,000 mula sa lokal na pamahalaan. Mabibigyan ng ayuda ang mga residente na hindi nakatanggap ng kahit anong tulong pinansyal mula sa pamahalaang nasyunal.
Layunin ng programa na masigurong lahat ng residente ng lungsod ay mabigyan ayuda habang umiiral ang ‘general community quarantine’ bunsod ng pandemyang dala ng COVID-19.
Sa Biyernes, Hulyo 17 naman gagawin ang pamamahagi ng 'Paraña-Cash card’ sa La Huerta, Don Galo, Don Bosco, Moonwalk, at San Martin de Porres.
Pansamantalang naantala ang pamamahagi ng debit card sa mga nasabing lugar dahil sa isinagawang balidasyon ng mga impormasyong isumite ng mga residenteng nakatakdang tumanggap ng ayuda doon.
Samantal, pinalalahanan ni Olivarez sa mga residenteng kukuha ng kanilang mga debit card sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols ng pamahalaan tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask. (PIA-NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1047718
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.