Skip to main content

Trending

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES - RA 6713

Republic Act No. 6713 AN ACT ESTABLISHING A CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES, TO   UPHOLD THE TIME-HONORED PRINCIPLE OF PUBLIC OFFICE BEING A PUBLIC TRUST, GRANTING INCENTIVES AND REWARDS FOR EXEMPLARY SERVICE, ENUMERATING PROHIBITED ACTS AND TRANSACTIONS AND PROVIDING PENALTIES FOR   VIOLATIONS THEREOF AND FOR OTHER PURPOSES Section 1. Title. - This Act shall be known as the "Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees." Section 2. Declaration of Policies. - It is the policy of the State to promote a high standard of ethics in public service. Public officials and employees shall at all times be accountable to the people and shall discharge their duties with utmost responsibility, integrity, competence, and loyalty, act with patriotism and justice, lead modest lives, and uphold public interest over personal interest. Section 3. Definition of Terms. - As used in this Act, the term: (a) "Go

Pagputol sa ‘delinquent accounts’ ngayong Hunyo at Hulyo ipinagpaliban ng Quirelco

DIFFUN, Quirino, July 6 (PIA)—Ipagpapaliban muna ang pagputol sa mga linya ng kuryente ng mga miyembrong hindi nakabayad ng bill sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo upang mabigyan sila ng sapat na panahong makapag-ipon ng pambayad ayon sa Finance Services Department Manager ng Quirino Electric Cooperative (Quirelco).

Sa “Project K-Usapang pasa sa Konsyumer” na pinangunahan ni Konsehal Maria Karen B. Guillermo, sinabi ni Ronely D. Viray , department manager na bagama’t pinapayagan na silang magputol, kailangang unahin muna nila ang kaligtasan ng kanilang mga miyembro at sa mga empleyado nilang naatasang maningil laban sa banta ng coronavirus.

“Kung napansin po natin during the billing months of March and April noong nagbayad kayo, wala pa rin po tayong binibigay na penalty alinsunod sa advisory ng Energy Regulatory Commission, ngunit pagdating ng Mayo, hanggang sa kasalukuyan ay bumalik na rin po tayo sa tamang operations kasi yun po ang mandato sa atin para gumalaw din po ang ekonomiya natin,” ayon pa kay Viray.

Ani Viray ay pinag-aaralan pa nila ang financial operations ng kooperatiba. Dagdag niya sa ngayon ay nakikita naman na maganda pa rin ang operasyon sa kabila ng nararanasang krisis sa buong mundo.

“Nakikita naman nating maganda pa rin ang pagbabayad ng ating mga member consumer so, sa tingin ko baka hangang July isasantabi muna natin ang ating pagpuputol,” ani Viray.

Ipinaliwanag din ni Viray kung bakit nagkaroon ng bill ang mga miyembro gayong wala namang meter reader na dumalaw sa kanila at kung bakit may arrears o atraso sa bayad ang mga miyembro.

"Mula noong Marso hindi na po tayo lahat lumabas ng ating mga tahanan, hindi na rin tayo nakapag-bayad ng ating mga power bills. So pagdating ng Abril, may mga natitira po tayong mga power bills na hindi nababayaran at makikita natin sa statement of accounts ang tinatawag nating arrears. Yun po yung mga power bills nating hindi pa natin nababayaran,” paliwanag ni Viray.

“Mayroon pong polisiya ang ating ERC na pinapayagan ang bawat electric cooperative na gamiting basehan ng ating power bill ang three months average transaction sa mga panahong hindi tayo pwedeng mag-reading,” dagdag ni Viray.

Ayon pa sa finance department manager, para sa buwan ng Marso, ang naging basehan ay December, January and February bills.

“Yung average consumption natin ng Marso ay maaaring mas mababa o mas mas mataas kaysa sa tamang konsumo natin at itinama na po natin sa buwan ng Abril kasi nagkaroon na po tayo ng actual reading,” ani Viray.

Sa mga business establishment na nagsara ngunit nagkaroon ng bill kahit walang konsumo, maaari umanong ipa-adjust ito sa kanilang opisina dahil tanging hangad ng kooperatibang mabigyan ng bill ang mga member consumer na ayon lamang sa konsumo nila. (MDCT/TCB/PIA 2-Quirino)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1046297

Comments

Popular posts from this blog

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

Bakit Uto-Uto ang mga Pulahan?

Yung tipong habang tumitingin ka sa feed mo may nakita kang nag-share ng mga conspiracy theory. Bakit ba naeenganyo sila? Paniwalang paniwala sila. Basahin ang maikling kasagutan tungkol dito. It makes them feel special and different. It gives them a feeling of being better than others, of having their eyes opened to a 'truth' that others don't see. That's why some call non-believers 'sheeple.' I think it's similar to the feeling we get whenever we learn an obscure yet interesting piece of trivia. The thought of "No one else knows it!" I also think conspiracies appeal to the way humans think, especially now. A desire to search for patterns. There has to be reason and purpose for anything. But this is not right! I still blame the lack of the fundamental research skills that needs to be taught in school. I believe you get to have a full subject on your 4th year, but investigative skills and fact checking should be honed at a young age.

FREE 30 books : Gunita - Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura

Please Share ☺️ FREE 30 books and more.. Google Drive Link: bit.ly/3Pe5xA3   "Exactly two months after we started this initiative, we have finally reached the exciting part ✨ We are officially launching Gunita: Mga Pahina Mula sa Panahon ng Diktadura. It will serve as our online archive of Martial Law-era materials." - Karl Patrick Suyat 🐦Twitter Link 👉 https://t.co/irINqVDIHz

Ginusto Niyo 'Yan!

'Di kami nagkamali, we already expected those things to happen... You're making fun of our opinions pero 'di niyo magets na para 'yun sa ikabubuti ng lahat. Now, why so sudden bigla kayong nagreklamo? eh diba ginusto niyo 'yan, honestly dito samin nagsasabing nagsisisi sila sa naboto nila, for me hindi na kasalanan ng mga politiko na naloko nila kayo dahil there are so many evidences na. Pero all of you still chose to be fooled and deceived by them. But it's too late na eh nakaupo na sila sa pwesto na hindi nila deserve. Pero ito na lang... Let our response be, GINUSTO NIYO 'YAN!

Angat Buhay Frames

Ready na ba kayo? ☺️ Tara’t magupdate na ng DP at gamitin ang Angat Buhay frames mula sa Creatives With Leni! Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng pag-asa ‘pag tuloy-tuloy din ang pagsuporta natin sa Angat Buhay NGO! 💗💙✊🏻🇵🇭 FRAMES: https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 https://www.twibbonize.com/angatbuhaylahat1 #CreativesWithLeni #AngatBuhayLahat #AngatBuhayNGO