Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

LTFRB Central Office sa QC, sarado Hulyo 13-17 dahil sa banta ng COVID

LTFRB Central Office sa Quezon City (FILE PHOTO)

LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 11 (PIA) --Pansamantalang magsasara ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office  sa Quezon City simula Lunes, ika-13 ng Hulyo, hanggang Biyernes, ika-17 ng Hulyo upang magbigay-daan sa patuloy na masusing disinfection ng mga pasilidad ng ahensya.

Ito ay matapos makumpirmang positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang limang (5) empleyado nito sa isinagawang RT-PCR swab testing ng Philippine Red Cross, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), para sa mga tauhan ng ahensya.

"Nangyari po lahat 'yan habang mahigpit na sinusunod ng ahensya ang mga public safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, karaniwang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol at sanitizer, regular na pag-disinfect ng opisina, at social distancing," ani LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III.

"Dahil sa sitwasyon ngayon sa tanggapan ng LTFRB, at para sa kaligtasan ng mga empleyado, ang aming mga stakeholders, at ng publiko, napagpasya naming itigil muna ang operasyon ng LTFRB Central Office simula sa Lunes. Hindi pinapayagang pumasok sa opisina ang mga tauhan ng ahensya," anunsyo ni Chairman Delgra.

Inaabisuhan ang publiko na kasabay ng pansamantalang pagsasara ng LTFRB Central Office sa Lunes hanggang Biyernes ng susunod na linggo, ang pagtanggap ng mga dokumento at pagproseso ng mga sumusunod na transaksyon dito ay magkakaroon ng pagkaantala ng tugon:

- 24/7 Public Assistance Complaints Desk 1342

- Inquiries on legal matters

- New Application for CPC

- Application for Extension of Validity

- Petition for Dropping and Substitution of Units

- Petition for Dropping of Units

- Petition for Installation of Advertising Sign

- Application for Consolidation of Cases

- Petition for Change Venue of Registration

- Petition for Adoption of Trade Name

- Petition for Storage of Unit Plate

- Petition for Upgrading/Downgrading of Units

- Petition for Cancellation of Franchise

- Petition for Withdrawal of Application

- Petition for Adoption of Color Scheme

- Application for Change of Party Applicant

- Request for Garage and Unit Inspection

- Surrender of Plates

- Clearance of Account

- Assessment of Fees

- Re- Assessment of Fees

- Releasing of Assessment of fees

- Issuance of Special Permit

- Clearance and Releasing of Impounded Vehicles

Bagamat magiging limitado ang serbisyo ng LTFRB sa susunod na linggo, patuloy pa rin ang pagseserbisyo sa publiko.

Inaanyayahan ang stakeholders na gumamit ng online transactions para sa mga sumusunod:

1. Request for Special Permit;

2. Correction of Typographical Error;

3. Request for Confirmation of Unit/s;

4. Request for Franchise Verification;

5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;

6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status

Mangyari lamang na sundin ang mga instructions na makikita sa link na ito:

https://www.facebook.com/…/p.26284342107…/2628434210731824/…

Binibigyang-diin ng ahensya na ang LTFRB Central Office na matatagpuan sa East Avenue, Quezon City lamang ang pansamantalang isasara hanggang Biyernes, ika-17 ng Hulyo.

Mahirap man ang dinaranas ng tanggapan dahil sa banta ng COVID-19, umaaasa ang LTFRB na babalik din sa normal ang sitwasyon ng ahensya para muling makapagbigay ng tapat at walang humpay na serbisyong totoo sa publiko at stakeholders nito.

"Humihingi kami ng panalangin para sa kalusugan ng aming mga empleyado na may sakit, at katatagan ng loob para malagpasan ang mga pagsubok na dala ng COVID-19," pakiusap ni Chairman Delgra sa publiko.

Para sa mga apektadong stakeholders, maaari din mag-transact sa pamamagitan ng Public Transport Online Processing System (PTOPS) ng LTFRB-NCR na matatagpuan sa link na ito:

https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en



source https://pia.gov.ph/news/articles/1047322

Comments

Popular posts from this blog

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

Isang Pasasalamat

Sabi nila: “There’s always something to be thankful for.” Kaya ako din may sasabihin! 🤣✌️ Isang pasasalamat! 💗 Sa lahat ng nagmamahal sa akin, maraming salamat po. Sa mga pagtulong sa akin, kahit hindi ko sinasabi, pero ginagawa pa rin, Thank you. Hindi ko man nasasabi personally pero taos puso ang pasasalamat ko sa inyo. Alam kong alam niyo na kung sino kayo. Isa na lang mahihiling ko talaga, ang mapanatili ang genuine and lasting friendship na nabuo natin. 💗 Kung may nasaktan o na-offend ako dahil sa mga paniniwala o pangbubully ko. Humihingi ako ng paumanhin. Kung isa ka sa ma-ooffend ko pa lang. Humihingi na ako agad ng paumanhin. Dahil din sa inyo, may natutunan at matututunan ako. Kung isa ka sa mga nagsasabing suplado ako, pasensiya na. Nagkakamali po kayo. =) Sa mga napasaya ko kahit paano, maraming salamat. Kayo ang magiging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang paglaban ng taas noo at ngiting tagos hanggang puso sa darating pang mga taon. Sa mga nakakamiss sa akin,

15 Things That Make You a Baguio Person

Here are random instances that might make you feel the feels: Despite the fact that everyone gets enthusiastic about strawberries, you go, "Like, duh! We have a whole farm of those!" you roll your eyes and add everything else is strawberry-tized -- from jams to wines to taho!  You recognize how fresh vegetables really looks, smells and tastes like, and as Sayote may cost a fortune in other areas, in Baguio, you can ask from your neighbour’s backyard or you're lucky if the vines has branched out over your side already.  You secretly know the lyrics to country music when it is played on the radio, more so you sing along every time the Magic 99.9 jingle is on. Leather jackets are for cowboys, denim jackets are what you take when you go swimming and those killer boots? those are made for Baguio walking.  Midland is where you check out what’s in, hot and not in the city including obituaries.  Dainty, Star Café or Luisa’s is where the oldies meet up for