Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: πŸ›’ Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) πŸ›’ Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Health, safety standards sa dentist clinics, pinatututukan ng DILG

LUNGSOD CALOOCAN, July 13 (PIA) -- Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na siguraduhing ang mga dentista sa kanilang nasasakupan ay magsusuot na personal protective equipment (PPE) at ang kanilang klinika ay sumusunod sa health and safety standards na ipinalabas ng Department of Health (DOH).

Ito ay upang makasiguro na ang mga dental health professionals at kanilang mga pasyente ay hindi malantad sa panganib na magkasakit ng COVID-19, 

"Sa pagpapagawa ng dental procedures, magkalapit ang dentista at pasyente. Kaya lalong dapat magsuot ng PPE ang mga dentist para sa kanilang kaligtasan at ng kanilang mga pasyente," ayon kay DILG Secretary Eduardo M. AΓ±o.

Sinabi pa ng DILG Chief na ang pagsasagawa ng dental treatments at services at ang hindi maiiwasang pagiging malapit sa ilong at bibig ng pasyente ay naglalagay sa dentist sa panganib na magkaroon ng impeksyon.

Sa isang advisory na ipinalabas para sa mga LGUs, sinabi ni AΓ±o sa mga gobernador at mayors na kailangang i-require ang mga oral health professionals na sumunod sa Philippine Dental Association (PDA) Interim Guidelines on Infection Prevention sa panahon ng COVID-19 pandemic para magabayan ang mga dentista sa kanilang operation sa "new normal".

"Sa gitna ng pagpupursigi ng bansa na hindi kumalat ang virus, hindi natin dapat ipag-walang bahala itong dental health. Itinuturing ng DILG na mahalaga rin ang dental health sa pangkabuoang kalusugan," sabi pa nito.

Samantala, sinabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan E. Malaya na ang PDA guidelines ay nagsasaad ng mga hakbang at pag-iingat na dapat gawin ng mga dental clinics, katulad ng patient screening, paghahanda ng dental facility team at standard layers of defense laban sa COVID-19 kasama na ang waste management ng mga hazardous wastes.

"Sa pagbubukas ng ekonomiya, umaasa ang DILG sa mga LGUs na maayos na pangasiwaan ang dental health sector sa kanilang lokalidad upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan. Mahalaga ang oral health sa kabuoang kalusugan ng mga mamamayan," sabi ni Malaya.

Pag-schedule ng Pasyente

Sa mga appointment mg pasyente, nirekomenda ng PDA ang two-phase triage. Una, dapat i-screen ng dental clinic sa pamamagitan ng pagtawag sa pasyente upang malaman kung kagyat ang pangangailangan ng pasyente, kugn saan nakatira ang pasyente, at kung nagkaroon ng pakikisalamuha sa confirmed COVID-19 patients. Dapat ipaalam naman sa pasyente ang treatment options gayundin ang infection control protocols ng klinika.

Pangalawa, sa araw ng appointment, dapat may questionnaire checklist para sa symptoms at contact exposure na sasagutin ng pasyente na kanyang pipirmahan na may pagsang-ayon sa treatment options at waiver forms. Kailangang naka-scheudle ang pagbisita sa kilinika maliban na lamang kung emergencies. Ito ay para bigyan ng puwang ang schedule ng mga pasyente at magkaroon ng oras para sa disinfection ng klinika.

Bago ang face-to-face consultation, pinaaalahanan ng PDA ang mga dentista na magsagawa ng imbentaryo ng mga PPE supplies at mag-schedule lang ng appointment sa pasyente kung may sapat na PPEs.

Ang mga dental clinics ay dapat may mga paalala na magsuot ng mask, huwag hawakan ang mukha, maghugas ng kamay, cough etiguette at physical distancing.

Inirerekomenda sa mga dental clinics na buksan ang mga bintana o gumamit ng mga air ventilator. Ang layunin nito ay ibaba ang aerosolized air upang masipsip palabas ng klinika.

Sa PDA guidelines, dapat paalalahanan ng dentista ang pasyente na sasailalim sa aeorosol-generating procedures na kailangang magpakita ng valid test ng RT-PCR (Reverse transcription-polymerase chain reaction) COVID-19 na hindi hihigit sa limang araw na aprubado ng Department of Health. (PIA NCR)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1047412

Comments

Popular posts from this blog

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: πŸ›’ Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) πŸ›’ Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

Isang Pasasalamat

Sabi nila: “There’s always something to be thankful for.” Kaya ako din may sasabihin! 🀣✌️ Isang pasasalamat! πŸ’— Sa lahat ng nagmamahal sa akin, maraming salamat po. Sa mga pagtulong sa akin, kahit hindi ko sinasabi, pero ginagawa pa rin, Thank you. Hindi ko man nasasabi personally pero taos puso ang pasasalamat ko sa inyo. Alam kong alam niyo na kung sino kayo. Isa na lang mahihiling ko talaga, ang mapanatili ang genuine and lasting friendship na nabuo natin. πŸ’— Kung may nasaktan o na-offend ako dahil sa mga paniniwala o pangbubully ko. Humihingi ako ng paumanhin. Kung isa ka sa ma-ooffend ko pa lang. Humihingi na ako agad ng paumanhin. Dahil din sa inyo, may natutunan at matututunan ako. Kung isa ka sa mga nagsasabing suplado ako, pasensiya na. Nagkakamali po kayo. =) Sa mga napasaya ko kahit paano, maraming salamat. Kayo ang magiging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang paglaban ng taas noo at ngiting tagos hanggang puso sa darating pang mga taon. Sa mga nakakamiss sa akin,

15 Things That Make You a Baguio Person

Here are random instances that might make you feel the feels: Despite the fact that everyone gets enthusiastic about strawberries, you go, "Like, duh! We have a whole farm of those!" you roll your eyes and add everything else is strawberry-tized -- from jams to wines to taho!  You recognize how fresh vegetables really looks, smells and tastes like, and as Sayote may cost a fortune in other areas, in Baguio, you can ask from your neighbour’s backyard or you're lucky if the vines has branched out over your side already.  You secretly know the lyrics to country music when it is played on the radio, more so you sing along every time the Magic 99.9 jingle is on. Leather jackets are for cowboys, denim jackets are what you take when you go swimming and those killer boots? those are made for Baguio walking.  Midland is where you check out what’s in, hot and not in the city including obituaries.  Dainty, Star CafΓ© or Luisa’s is where the oldies meet up for