LUNGSOD PASIG, Hulyo 13 (PIA) -- Nagsimula na ang ECLIA testing sa Pasig COVID-19 Referral Center para matukoy ang presensya ng naturang sakit sa mga residente.
Sa kaniyang Facebook page, ibinalita ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nagsimula na ang ECLIA o enhanced chemiluminescence immunoassay testing sa lungsod.
Ani Mayor Vico, ang ECLIA ay isang uri ng antibody testing na halos 100 percent ang sensitivity/specificity kapag tama ang paggamit.
Idinagdag pa ni Mayor Sotto na malapit na rin maging operational ang PCR testing ng lungsod.
Ang naturang test ay gumagamit ng blood sample para malaman kung ang pasyente ay na-expose sa virus at may taglay nang antibodies laban dito.
Kabilang naman sa ilang kalamangan ng ECLIA ang pagiging tumpak at maaasahan ng resulta, 100-porsyentong sensitivity, 99.8-porsyentong specificity, at makukuha ang resulta sa mismong araw ng test.
Wala rin umanong cross reactivity ang naturang test sa iba pang coronavirus. (PIA NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1047391
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.