Skip to main content

Trending

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

DILG: Paglilipat ng COVID-19 patients sa Ligtas Centers kailangang madaliin

LUNGSOD CALOOCAN, July 19 (PIA) -- Kailangan umanong madaliin ang paglipat ng mga COVID-19 patients sa mga COVID Ligtas Centers o mga isolation centers sa ilalim ng programang Oplan Kalinga ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año nitong Sabado na kagyat at kinakailangan ang patient transfer hindi lamang upang maingat na masubaybayan at gamutin ang mga ito kundi para sa kabutihan ng pamayanan.

“Malinaw na ang hakbang na ito ay upang matiyak na ang mga pasyenteng may COVID-19 ay mapagtutuunan ng pansin at hindi nila maikakalat ang virus sa kanilang mga pamilya at komunidad,” sabi ni Año. 

“Kapag nasa Ligtas Centers sila, mas mababantayan at maaalagaan sila doon at higit sa lahat, maliit ang tsansa na maikalat nila ang virus sa kanilang pamilya,” dagdag niya.

Sinabi niya na ang mga ulat na gagawin ng pamahalaan ang "house-to-house search" na pamumunuan ng pulis o militar sa isang “police-type operations” ay fake news at napapabilang sa disinformation campaign ng mga walang prinsipyong indibidwal.

Binigyang-diin ni Año na ang mga pasyenteng may coronavirus ay dadalhin sa mga Ligtas Centers bilang isang pag-iingat upang mabawasan ang paglaganap, at upang matiyak na maayos silang maalagaan dahil ang mga isolation centers na ito ay may sapat na kagamitan upang tugunan ang kanilang mga pangangailangang medikal, kumpara sa pagho-home quarantine.

Sinabi din niya na ang mga pasyenteng may COVID-19 ay hindi dapat matakot na mailagay sa ilalim ng isang COVID-19 Ligtas facility dahil matutugunan doon ang kanilang pangangailangan pati pagkain. “Ito ang siguradong paraan para mabantayan natin at matalo natin ang virus na ito.”

Sa kabilang banda, ang home quarantine aniya, ay nakita na isang contributory factor sa pagkalat ng coronavirus sa pamayanan sapagkat ang ibang tirahan ay walang lugar para i-isolate mula sa ibang kaanak, na humahantong sa pagdami mga kaso.

“Ito po ay tungkulin ng inyong pamahalaan sa ating mga mamamayan na naaayon sa batas lalo na ngayong panahon ng krisis at kayo ay lumalaban sa isang pandemya. Makipagtulungan po tayo sa gobyerno dahil ang kapakanan at kalusugan ng buong komunidad na ang nakasalalay,” sabi ng Kalihim ng DILG.

Sinabi niya na ang Republic Act No 11332 ay nagbibigay ng kapangyarihan para sa layunin ng quarantine at isolation, at pinaparusahan ang hindi pakikipagtulungan ng mga taong may karamdaman na dapat ipagbigay-alam o apektado ng isang health event na maaaring makaapekto sa publiko.

Ayon kay Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Domingo Egon Cayoso, "ang pagpapatupad ng batas ay bahagi ng kapangyarihan ng estado,” habang ipinapaliwanag na ang pagsasagawa ng mga house-to-house visits upang matukoy ang mga pasyente ng COVID-19 ay naaayon sa batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga public health authorities upang matiyak ang quarantine at isolation.

Ipinaliwanag pa ni Cayoso na ang hindi pakikipagtulungan ay maaaring parusahan ng multa na P20,000 hanggang P50,000 at / o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan sa ilalim ng RA 11332. Sinabi niya na itinuturing na krimen pagtanggi ng mga pasyente na nagpositibo at napatunayang mga carriers na madala sa Ligtas Centers.

“Sa ilalim ng panuntunan ng warrantless arrest, puwede ho kayong arestuhin, pero hindi kayo dadalhin sa kulungan kasi maiinfect ‘yung mga nandoon. Dadalhin kayo sa quarantine facilities,” paliwanag ni Cayoso.

Samantala, binigyang diin ni Año na ang mga local health workers ay hindi magbabahay-bahay, sapagkat hindi lahat ng mga sambahayan ay bibisitahin ng pangkat na pinamumunuan ng local government unit (LGUs) Local Epidemiological Surveillance Units (LESU) “ngunit tanging ang mga naitalang COVID positive sa pamayanan,” aniya.

“Hindi po natin uubusin ang oras ng ating LESU sa pag-isa-isa ng mga bahay ng mga tao. Ito po ay fake news. Tanging yung mga na-test po na positive na kasama sa kanilang listahan lamang at hindi makakapag-comply sa minimum requirement para payagang makapag-home quarantine ang ating dadalhin sa mga Ligtas Center,” aniya.

Ang isang tao ay pinapayagang maghome quarantine kung mayroon siyang isang hiwalay na silid kung saan siya maaaring manatili; kung ang pasyente ay may sariling palikuran; at kung siya ay walang kasamang vulnerable sa COVID-19, tulad ng mga senior citizens at immuno-compromised individuals. (PIA NCR)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1047956

Comments

Popular posts from this blog

Para sa mga Pulahan

Kung narito ka ngayon. Marahil ay isa ka sa mga napadpad o mas magandang sabihin ay isa ka sa marites na nakatambay sa page ng mga kakampinks. Kung tama ako, para sayo talaga to!  Para sa mga PULAHAN. Wala ba kayong page na nagmamahal sa inyo kaya andito kayo sa page ng mga kakampinks? :) Salamat pa rin sa pagdalaw kahit ang purpose niyo talaga ay ang ibash kami. ✌️

Republic Act No. 11313 or The Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law)

REPUBLIC ACT No. 11313 An Act Defining Gender-Based Sexual Harassment in Streets, Public Spaces, Online, Workplaces, and Educational or Training Institutions, Providing Protective Measures and Prescribing Penalties Therefor Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the Philippine Congress assembled: Section 1. Short Title. -This Act shall be known as the "Safe Spaces Act". Section 2. Declaration of Policies. -It is the policy of the State to value the dignity of every human person and guarantee full respect for human rights. It is likewise the policy of the State to recognize the role of women in nation-building and ensure the fundamental equality before the law of women and men. The State also recognizes that both men and women must have equality, security and safety not only in private, but also on the streets, public spaces, online, workplaces and educational and training institutions. Section 3. Definition of Terms. -As used in this Act: (a)

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Bakit Uto-Uto ang mga Pulahan?

Yung tipong habang tumitingin ka sa feed mo may nakita kang nag-share ng mga conspiracy theory. Bakit ba naeenganyo sila? Paniwalang paniwala sila. Basahin ang maikling kasagutan tungkol dito. It makes them feel special and different. It gives them a feeling of being better than others, of having their eyes opened to a 'truth' that others don't see. That's why some call non-believers 'sheeple.' I think it's similar to the feeling we get whenever we learn an obscure yet interesting piece of trivia. The thought of "No one else knows it!" I also think conspiracies appeal to the way humans think, especially now. A desire to search for patterns. There has to be reason and purpose for anything. But this is not right! I still blame the lack of the fundamental research skills that needs to be taught in school. I believe you get to have a full subject on your 4th year, but investigative skills and fact checking should be honed at a young age.

Ginusto Niyo 'Yan!

'Di kami nagkamali, we already expected those things to happen... You're making fun of our opinions pero 'di niyo magets na para 'yun sa ikabubuti ng lahat. Now, why so sudden bigla kayong nagreklamo? eh diba ginusto niyo 'yan, honestly dito samin nagsasabing nagsisisi sila sa naboto nila, for me hindi na kasalanan ng mga politiko na naloko nila kayo dahil there are so many evidences na. Pero all of you still chose to be fooled and deceived by them. But it's too late na eh nakaupo na sila sa pwesto na hindi nila deserve. Pero ito na lang... Let our response be, GINUSTO NIYO 'YAN!