
LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 12 (PIA) – Tiniyak ni Kalihim Rolando Bautista ng Kagarawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan, na 80 porsiyento ng mga benispisyado ng Social Amelioration Program (SAP) cash subsidy ang makatatanggap ng pangalawang bugso ng ayuda hanggang katapusan ng buwan Hulyo.
Paliwanag ni Bautista na ang nalalabing 20 porsiyento naman ay dumadaan pa sa balidasyon.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, abot sa 1.517,918 benepisyado ng SAP ang nakatanggap na ng ayuda, habang may 700,000 naman susunod na makatatanggap.
Nagkakahalaga na ng P8,058,504,300 ang naipamahagi sa mga non-4Ps na benepisyado, at P1.5B naman sa higit na 1.3M benepisyado ng Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps) na may cash cards.
Ayon pa kay Bautista, mayroong 48,000 benipisyado ng 1st tranche na nakatanggap ng dobleng ayuda at ito ay kailangan nilang ibalik.
“Ang lokal na pamahalaan ang bahalang gumawa ng paraan kung paano ito maibabalik,” pagdidiin ni Bautista..
Ang mga benipisyado ng 2nd tranche ng SAP ay batay sa EO 112 series of 2020, at sa Memorandum Circular na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsasaad na ang mga benipisyado na nasa ilalim ng ECQ noong Mayo ang mabibigyan ng ayuda.
Kabilang sa mga nabanggit na lugar ay ang mga sumusunod: National Capital Region (NCR), Region 3 maliban sa Aurora, Region 4-A, Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu, Albay, Bacolod City,Davao City, at Zamboanga City.
Unang naipamahagi ang 2nd tranche sa mga benipisyado ng 4Ps na may cash card noong unang dalawang linggo ng Hunyo.
Sumunod namang nabigyan ang mga wait listed sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAS) sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at Region 1.
Manual pay-out ang isinagawa ng DSWD sa mga nasabing lugar kasama sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa pakikipag-ugnayan na rin sa mga lokal na pamahalaan.
Sa NCR, naunang nabigyan sa pamamagitan ng electronic payment ang mga benipisyado sa mga lungsod ng Makati, Quezon City, Caloocan at Pasig.
Ipinaliwanag ni Bautista, na nabalam ang pamamahagi ng second tranche ng SAP dahil sa paghihintay ng liquidation report ng mga LGU at sa mga isinasagawang validation process at deduplication system upang matiyak na hindi dobleng ayuda ang matatanggap ng benipisyado.
“Mayroon din kasing ibinibigay ang ibang ahensiya ng pamahalaan katulad ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor (DOLE),” ani Bautista.
“Kasama rin sa dahilan ang pagkabalan ng pagsusumite ng liquidation report ng ibang LGU dahil sa problema ng linya sa internet at hirap sa pag-encode.. Kinailangan pang tumulong ng kanilang mga kawani upang maisaayos at maipadala ang mga kinakailangang datos,” dagdag pa ni Bautista
Isa pa diumanong dahilan ay ang kakulangan ng naisumiteng datos ng benipisyado at wala ring naibigay na numero ng cellphone kaya kailangan pang makipag-ugnayan ng Financial Service Provider (FSP) sa lokal na pamahalaan at sa DSWD Field Office upang maseguro na tama at kwalipikadong tao ang pagbibigyan.
Ang SAP cash subsidy ay ipinamamahagi sa mga mahihirap na mamamayan na lubhang naapektuhan ng pandemyang COVID-19 nang isinailalim ang iba’tibang lugar sa bansa sa Enhanced Community Quarantine. (PIA-NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1047372
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.