
LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Hunyo 13 (PIA) – Isang 'virtual classroom' na siyang gagamitin sa pagtuturo ang pinasinayaan sa Lungsod ng Cauayan kamakailan.
Ang pagpapasinaya ay pinangunahan nina Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy at Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. na ginanap sa Cauayan South Central School.
Ang nasabing virtual classroom ay tinaguriang 'PROJECT BERNARD' (Bringing Evaluation Using Radio, Non-Print and automated Resources to the Diverse Learners).
Nagpasalamat si Gumaru sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan dahil aniya malaki ang maitutulong nito upang maipatupad ang 'new normal' na istratehiya sa pagtuturo bilang tugon sa banta ng COVID-19.
Aniya ang 'new normal' na pagtuturo gaya ng blended teaching-learning gamit ang internet, modules, radyo at telebisyon ay mabisang istratehiya upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Aniya sa kasalukuyan ay inihahanda na ang mga kinakailangan at mga guro upang maipatupad ang pagtuturo gamit ang blended learning approach.
Ang pagpapasinaya sa PROJECT BERNARD ng SDO Cauayan City ay kauna-unahan sa rehiyon at umaasa ang mga opisyal ng DepEd at lokal na pamahalaan na magiging epektibo ang pagpapatupad into para sa ikabubuti ng mga mag-aaral na Cauayeño. (MDCT/MGE/PIA 2-Isabela)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044478
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.