Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Unang batch ng 'Hatid Tulong' kabalikat ang PNR, nakapagpauwi ng 150 LSIs sa Bicol

Makikita sa larawang kuha ng Philippine News Agency ang bahagi ng unang batch ng mga benepisyaryo ng Hatid Tulong program patungong Bicol Region.

LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 20 (PIA) -- Umabot sa 150 locally-stranded individuals (LSIs) dito sa Metro Manila ang napauwi sa Bicol Region kaninang madaling araw sa pamamagitan ng "Hatid Tulong" program ng administrasyong Duterte katuwang ang Philippine National Railways.

Tinipon ang mga stranded sa Tutuban Station ng PNR sa Maynila at sama-samang inilulan sa mga bagon ng tren alinsunod sa strict physical distancing at health protocols na pinaiiral ng mga otoridad kontra-COVID-19.

Ayon kay Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary at Hatid Tulong Program head Joseph Encabo, "dalawang biyahe bawat linggo" ang inilaan ng PNR para sa mga na-stranded sa Metro Manila papuntang Bicol.

“Masaya po naming ibinabalita sa inyo na meron po tayong suportang nakuha sa Philippine National Railways kung saan nakipag-agreement kami, sa pamamagitan ng kanilang opisina o himpilan at PMS, na sila po ay magbibigay ng dalawang biyahe bawat linggo, para sa mga stranded na individuals patungong Bicol,” ani Encabo.

“So magandang development po ‘yan... dahil dahan-dahan po nating mababawasan ang ating mga stranded individuals patungong Bicol,” dagdag pa niya.

Naunang ibinalita ni Encabo na nasa 53,000 na ang napapauwing LSIs ng Hatid Tulong, kung saan inuuna nila ang mga na-stranded na turista, estudyante, manggagawa at mga nagbabalik na overseas Filipino worker para makapiling na ang kanilang mga pamilya sa kabila nang umiiral na community quarantine at limitadong biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Samantala, nasa 13,000 pa naman umano ang stranded sa Luzon na kanila pang tutulungan at bahagi sa bilang na ito ang 150 na pinauwi na sa Bicol.

Bukod sa transportasyon, binibigyan din ang mga na-stranded ng pagkain, tulong pinansyal, psychological intervention, at iba pang ayuda para makatawid sa nararanasang health crisis ng bansa.

“Sa ngayon, masaya po akong i-report sa inyo na ang Hatid Tulong ay umabot na po sa mga 53,000-plus na stranded individuals na natulungan na po natin. Ongoing po ang ating assistance sa kanila at patuloy po kaming nakikipag-ugnayan din sa mga kasamahan po natin sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno,” ayon kay Encabo.

“Sa ngayon po, base sa listahan ng PMS, meron po tayong mahigit na 13,000 na LSIs. Ito po ay nandito po sa Luzon at sila ay gustong umuwi sa kanilang probinsya sa Visayas at Mindanao,” sinabi pa niya. (PIA NCR)  

 



source https://pia.gov.ph/news/articles/1045342

Comments

Popular posts from this blog

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Isang Pasasalamat

Sabi nila: “There’s always something to be thankful for.” Kaya ako din may sasabihin! 🤣✌️ Isang pasasalamat! 💗 Sa lahat ng nagmamahal sa akin, maraming salamat po. Sa mga pagtulong sa akin, kahit hindi ko sinasabi, pero ginagawa pa rin, Thank you. Hindi ko man nasasabi personally pero taos puso ang pasasalamat ko sa inyo. Alam kong alam niyo na kung sino kayo. Isa na lang mahihiling ko talaga, ang mapanatili ang genuine and lasting friendship na nabuo natin. 💗 Kung may nasaktan o na-offend ako dahil sa mga paniniwala o pangbubully ko. Humihingi ako ng paumanhin. Kung isa ka sa ma-ooffend ko pa lang. Humihingi na ako agad ng paumanhin. Dahil din sa inyo, may natutunan at matututunan ako. Kung isa ka sa mga nagsasabing suplado ako, pasensiya na. Nagkakamali po kayo. =) Sa mga napasaya ko kahit paano, maraming salamat. Kayo ang magiging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang paglaban ng taas noo at ngiting tagos hanggang puso sa darating pang mga taon. Sa mga nakakamiss sa akin,