LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Hunyo 10 (PIA) -- Upang mapabilis at mapabuti pa ang kapasidad para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing, limang contactless specimen collection booths o SCBs ang idineploy ng Department of Science and Technology (DOST) - Caraga sa mga Department of Health (DOH)-operated na mga ospital.
Dalawa nito ay sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City, dalawa rin sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag, Surigao del Sur; at isa sa DOH-Center for Health and Development (CHD) Caraga.
Ang nasabing telephone booth-style swab collection facility ay may transprent window sa harapan, window-mounted nitrile gloves, ventilation at caster wheels para madaling mailipat.
Para sa karagdagang proteksyon ng health workers, mayroon din itong air circulation system at infrared temperature sensors na nakakapag-monitor remotely ng temperatura ng pasyente.
“Ang purpose nito ay para masiguro ang kaligtasan and magbigay ng proteksiyon sa mga sample collector o medical professional dahil nasa high risk sila habang nagsaswabbing,” sabi ni Engr. Noel Ajoc, chief ng Technical Support Services Division of DOST-Caraga.
Ang nasabing mga SCB ay jointly funded ng DOST - Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) and DOST - Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD). Finabricate naman ito ng DOST-PCIEERD’s Startup Grant Awardee Futuristic Aviation and Maritime Enterprise, Inc. (FAME).
Ang disenyo ng SCB ay maaaring gamitin ng mga fabricator at engineering groups at makakakuha ng kopya nito sa DOST offices o kaya’y i-download sa website ng DOST-PCIEERD (www.pcieerd.dost.gov.ph).
Nakatakda ring magdagdag ang DOST-Caraga ng apat pa na SCB sa rehiyon.
Samantala, karagdagang proyekto rin ng DOST-Caraga ang pamimigay ng reference thermal scanners sa mga local government units kung saan magagamit ito sa pag calibrate ng kanilang existing thermal scanners.
“So ang gagawain natin ay magpapadala tayo ng calibrated thermal scanners at sabay na ilagay sa noo ang kanilang kasalukuyang ginagamit na thermal scanner para malaman kung okay ba yung reading or kung ano dapat yung adjustments,” sabi ni Engr. Ajoc. (VLG/PIA-Surigao del Norte)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044329
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.