
LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Hunyo 15 (PIA)-- Patuloy sa operasyon ang Presidential Communication Operations Office (PCOO) sa pangunguna ni Secretary Martin Andanar bilang bahagi ng 'Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa Program' na naglalayong makapagbigay ng magandang opurtunidad para sa mga manggagawang Pilipino na gustong magbalik-probinsya upang doon makapaghanap-buhay.
Nagtungo si Communications Secretary Martin Andanar sa probinsya ng Batangas noong ika-13 ng Hunyo upang personal na makita ang mga trabahong maaaring makapagbigay ng magandang opurtunidad sa mga manggagawa na lubos na naapektuhan ng kasalukuyang pandemya.
Unang nagpunta si Secretary Andanar kasama ang ilang mga kawani ng ahensya at ibang miyembro ng Philippine Information Agency IV-A (PIA 4A) sa pamumuno ni Regional Director Ma. Cristina C. Arzadon sa isang dairy farm sa Lipa City na pinapatakbo ng Batangas Dairy Cooperative (BADACO) na gumagawa ng mga pangunahing produkto na katulad ng fresh milk, chocomilk at flavored yogurt.
Ang operasyon ng BADACO dairy farm ay nagsimula noong taong 2012 at tuloy-tuloy hanggang sa ngayon kaya naman isa ang dairy farm sa nakikitang oportunidad sa probinsya ng Batangas na maaaring pasukin ng ilang mga mamamayan na interesado sa pag-aalaga ng baka at nais simulan ang dairy farming.
Ang mga interesadong indibidwal ay libreng bibigyan ng training ng BADACO dairy farm upang magkaroon ng mga angkop na kaalaman at kasanayan ang mga nagnanais na pasukin ang industriya ng dairy farming bilang panibagong hanap-buhay sa probinsya.
Kaugnay nito, nagtungo rin si Sec. Andanar sa Lipa City, City Hall upang makausap ng personal ang mga media practitioners mula sa probinsya ng Batangas na kabilang sa mga frontliners na isa sa mga lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic dahil isa sa mga adbokasiya ni Sec. Andanar ang matulungan ang industriya ng media lalo't higit ang mga maliliit na istasyon na napilitang magtigil operasyon at magsara dahil sa banta ng COVID-19 kaya naman sa simpleng kapamaraanan ay naghandog ng foodpacks bilang ayuda si Sec. Andanar sa mga miyembro ng Batangas media.
"Ito ay kaunting tulong mula sa puso para sa ating mga kasamahan para maiparating na hindi namin kayo nakakalimutan," ani Sec. Andanar.
Gayundin ay nagtungo rin si Secretary Andanar sa Batangas State University Knowledge
Innovation, and Science Technology Park – LIKHA FABLAB kung saan ang BSU ay isa sa 12 bagong economic zones na kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buksan bilang industrial park.
Katulad ng BADACO dairy farm, may mga pagkakataon rin na naghihintay mabuksan para sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay na maaaring simulan sa pamamagitan ng training mula sa LIKHA FABLAB.
Sa kabilang banda, ang Balik-Probinsya, Bagong Pag-Asa Program ng pamahalaang Duterte ay isang daan o kapamaraanan na naglalayong magbigay ng magandang oportunidad at ma-engganyo ang mga manggagawa na magbalik probinsya upang makapaghanapbuhay at gayundin ay ma-decongest ang Metro Manila. (CO/PIA4A)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044798
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.