GENERAL NAKAR, Quezon, Hunyo 9 (PIA)- Naghatid ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa Barangay Umiray sa bayang ito kamakailan sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Quezon Public Information Office, kabilang sa mga dinalang ayuda ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing barangay ay relief food packs, school supplies, mga gamot, vitamins, payong, jetmatic, mga kagamitan para sa mga tanod, alcohol at mga pananim.
Pinangunahan ni Executive Assistant-IV at Chief of Staff Jenny Suarez-Lopez ang pamamahagi ng tulong kasama sina Provincial Board Members Alona Obispo at Jerry Talaga at Executive Assistant II Tina Talavera.
Ayon pa sa Quezon PIO, sa kabila ng ibang mga aktibidad ni Gobernador Danilo Suarez, sinisiguro ng pamahalaang panlalawigan na maipaparating ang mga ayuda sa iba pang mga bayan sa kabila ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa lalawigan.
Sa kasalukuyan, patuloy naman ang paggawa ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan upang maibsan ang nararanasang krisis at maipagpatuloy ang bagong normal na buhay.
Kasabay nito, idinaos din sa nasabing lugar ang general assembly ng samahan ng Luntiang Katipunero (LK) at Provincial Union of Leader Against Ilegalities (PULI) na katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapaabot ng serbisyo sa mga Quezonian. (Ruel Orinday-PIA-Quezon at ulat mula sa Quezon PIO)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044170
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.