
PUERTO PRINCESA, Palawan, Hun. 16 (PIA) -- Ipinamamahagi ngayon ng Department of Agriculture (DA)-PhilRice Los Baños ang mga dekalidad na binhi ng palay o ‘certified inbred seeds’ sa mga magsasaka sa Palawan.
Ang pamamahagi ng dekalida na binhi ng palay ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Seed Program ng nasabing ahensiya na naglalayong matulungan ang mga magsasaka na mapataas pa ang aning palay ng mga ito.
Labindalawa na mga munisipyo sa Palawan ang nauna nang napadalhan ng DA-PhilRice Los Baños ng mga dekalidad na binhi ng palay. Ang mga ito ay ang mga bayan ng Aborlan kung saan nasa 2,035 bags ng binhi ang ipapamahagi sa mga magsasaka, Narra (9,931 bags), El Nido (208 bags), Taytay (1,272 bags), San Vicente (1,266 bags), Brooke's Point (1,626 bags), Sofronio Española (1,278 bags bags), Bataraza (2,098 bags), Dumaran (1,218 bags), Roxas (158 bags), Rizal (2nd batch-1,321 bags), Quezon (2nd batch-1,159 bags)
Mayroon ding 405 bags ang Puerto Princesa para sa mga magsasaka dito.
Nakatakda namang maipapadala na ngayong linggo ang mga dekalidad na binhi ng palay para sa mga bayan ng Taytay at Araceli.
Ayon kay Myrtel Valenzuela ng DA- PhilRice Los Baños, ang mga magsasaka sa mga munisipyo at lungsod na naka-rehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang mabibigyan ng libreng binhi ng palay.
Bawat kwalipikadong magsasaka ay makakatanggap ng 20-120 kilo ng certified inbred seeds depende sa sukat ng kanyang palayan.
Ayon sa DA-Philippine Rice Research Institute, ang paggamit ng certified inbred seeds ay may dagdag na sampung porsiyento sa ani o higit pa kumpara sa binhing itinabi lamang mula sa nakaraang taniman.
Pinapayuhan ang mga magsasaka sa mga nabanggit na bayan na makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang mga Municipal Agriculture Office (MAO) upang magabayan sa pagkuha ng nasabing mga binhi. (OCJ/PIA-MIMAROPA)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044831
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.