LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Hunyo 9 (PIA) --Nagsimula nang ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON ang P5,000.00 financial subsidy sa bawat magsasaka sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa DA CALABARZON, sa pakikipag-ugnayan sa city at municipal agriculture offices sa Quezon, nagsimula na silang ipamigay ang nabanggit na halaga sa mga magsasaka sa ilalim ng 'financial subsidy to rice farmers program' ng DA.
"May kabuuang 5,979 rice farmers ang makikinabang sa programang ito na makakatulong sa kanilang personal na pangangailangan at sa pagsasaka sa panahong ng COVID-19 quarantine," sabi ni Rolando P. Cuasay, Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) sa Quezon.
Sa nakaraang linggo, may 3,234 magsasaka na ang nakatanggap ng cash subsidy mula sa 23 siyudad at bayan sa Quezon kabilang ang Tayabas City, Lucena City, Burdeos, Infanta, Lucban, Pagbilao, Panukulan, Polillo, Real, Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Padre Burgos, Pitogo, Unisan, Atimonan, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Perez, at Plaridel.
Ang natitirang 2,745 benepisyarong magsasaka mula sa 16 pang lugar sa lalawigan ay matatanggap ang cash subsidy bago matapos ang buwan. (CPGonzaga, PIA-4A at ulat mula sa DA-RFO IVA)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044222
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.