LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 11 (PIA)-- Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angono ang mga local business owners na magpadala ng mga request upang ma-feature at advertise sa Facebook Pages ng LGU.
Ayon sa isang social media post ng Angono Public Information Office, maaring magpasa ng mga detalye ang mga may-ari ng negosyo sa PIO ng mga sumusunod na detalye: Pangalan ng Negosyo, Pangalan ng may-ari o marketing staff, Business type, Lokasyon, operating hours at Contact details.
Paraan rin ito upang maipaalam sa mga suki kung ang negosyo ay bukas na, opening at closing time, kung mayroong delivery services/pick-up / walk-in, latest menu o services at iba pa.
Maari ring makinabang ang mga may bagong bukas pa lang na negosyo upang maipakilala ng libre ang kanilang mga produkto o serbisyo.
Ang nasabing inisyatibong nina Mayor Jeri Mae Calderon at Vice Mayor Gerry Calderon ay naglalayong tulungan ang mga nagnenegosyo sa Angono na apektado ng nagdaang ECQ at kasalukuyang GCQ. (PIA Rizal may ulat mula sa Angono PIO)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044415
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.