Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Protocol ng Ilocos Sur, nakatulong sa contact tracing ng kaso ng COVID-19

VIGAN CITY, June 12 (PIA) - - Mas napadali ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa probinsiya ng Ilocos Sur.

Resulta ito ng maayos na pakikipagtulungan ng mga local government unit (LGU), lalong-lalo na sa protocol ng provincial government na mismong ang mga provincial bus ang maghahatid sa mga returning Overseas Filipino (ROF) sa kani-kanilang bayan mula sa boarder sa bayan ng Tagudin.

Ito ang sinabi ni Governor Ryan Luis V. Singson sa isinagawang press conference noong Miyerkules, Hunyo 10, sa Provincial Capitol dito sa siyudad.

Mula sa sasakyan na handog ng Department of Transportation (DOTr) at Overseas Workers Welfare Association (OWWA) na naghahatid sa mga ROF galing Maynila patungo sa kanilang probinsiya, lahat ng mga ROF na taga-Ilocos Sur ay ibinababa sa Tagudin at doon sila’y sasakay sa mga provincial bus patungo sa kanilang LGU.

Ang mga nasundong ROF ay dinadala muna sa Rural Health Unit ng LGU at doon sila ini-evaluate ng mga health workers kung kailangan ba nilang mamalagi muna sa quarantine facility o mag-home quarantine sa loob ng pitong araw.

Aniya, dahil sa protocol na ito lalong-lalo sa koordinasyon ng mga LGU at mga establisyementong pinuntahan ng pasyente, mas napadali ang contact tracing dahil na-monitor nila ang pagpasok ng ROF dito sa probinsiya.

Base sa direktiba ng national government, mula sa Maynila sakay ng bus mula sa DOTr at OWWA ay diretso sa kani-kanilang LGU ang mga ROF, ngunit upang ma-monitor ang pagpasok ng mga residente sa probinsiya, hiniling ng provincial government ang protocol na ito.  

“Para sa safety nating lahat, hiningi ng provincial government na tayo mismo ang mag-provide ng transportation para sa ating mga ROF sa pag-uwi nila sa kani-kanilang bayan,” ani Gov. Singson.  

Ayon sa datos na inilabas ng OWWA Region I noong Miyerkules, aabot na sa 272 ang kabuuang bilang ng mga ROF na napauwi dito sa probinsiya simula noong ika-17 ng Abril 2020.  

Bago sumakay sa bus ng provincial government ng Ilocos Sur, kumuha muna ng litrato ang ilan sa mga returning overseas Filipino (ROF) mula sa Maynila na sinundo sa boarder sa bayan ng Tagudin noong Mayo 30. (Litrato mula sa Facebook page ng OWWA La Union) 

 

Ipinaliwanag din ni Gov. Singson na kahit OFW ang bagong kaso ng COVID-19 sa Ilocos Sur, papayagan pa rin ang mga ROF na umuwi dito sa probinsiya base sa Memorandum na ibinaba ng Department of Interior and Local Government (DILG).

"Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2020-087 ng DILG na hindi dapat pigilan ang lahat ng ROF lalong-lalo na kung natapos na nila ang kanilang 14-day quarantine sa Maynila at negatibo ang resulta ng kanilang COVID-19 nasopharyngeal swab test. Sumusunod lamang po tayo sa mga direktiba ng national government," dagdag ni Singson.

Aniya, naiintindihan niya ang pangamba ng mga residente ngunit ipinasigurado niya na ginagawa ng provincial government ang lahat ng mga safety protocol sa pakikipagtulungan sa iba't-ibang ahensiya upang sana'y hindi na madagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa probinsiya.

Samantala, sa Laging Handa Network Briefing ng Presidential Communications Operations Office kahapon, ibinida ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang “Sagip Stranded,” isa sa mga programa ng provincial government na nakatulong upang maiwasan ang posibleng local transmission dulot ng hindi monitored na pag-uwi ng mga estranded na residente sa probinsiya.

"So ang ginawa natin para matulungan natin and also para po maiwasan natin yung local transmission ay kinakailangan na mayroon mekanismo na ginawa ang probinsya. For example, yung probinsya po ang kukuha sa kanila kung nasaan sila at dumaan po ito ng mga tamang proseso. Kailangan yung nagsagip ay naka-PPE," ani Gov. Catamco.

Isinaad pa ni Catamco na bago nag-modified, ang mga ROF ay kailangang ma-quarantine muna sa may boarders ng 14 na araw bago sila inihahatid sa kanilang mga munisipyo.

"But this time, since we are now under the modified community quarantine, ang ginagawa po natin ay kinukuha natin sila at ang munisipyo po ang nagku-quarantine sa kanila," ani Gov. Catamco.

Idinagdag din ni Gov. Catamco na hanggang ngayon ang North Cotabato ay COVID-free dahil ang lima na positive case nila ay gumaling na at nag-negatibo din lahat ng mga nakahalubilo nila.   

Sa ngayon, ang Ilocos Sur ay mayroong isang aktibong kaso ng COVID-19.

Siya ay 30 taong gulang na OFW mula Taiwan na residente sa siyudad at nagpositibo sa COVID-19 noong Martes, Hunyo 9. 

Kahapon, kinumpirma ni Dr. Trina Tabboga-Talaga, Chief ng Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang (ISPH-GS) na bumubuti na ang pakiramdam ng pasyente at pagkatapos ng siyam o sampung araw ay dadaan ito sa pangalawang COVID-19 nasopharyngeal swab test.

Ang pasyente ay naka-admit sa ISPH-GS dito sa syudad at patuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente, ayon sa city government. (JCR/MCQ/PIA Ilocos Sur)

 



source https://pia.gov.ph/news/articles/1044560

Comments

Popular posts from this blog

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

MUSIC here!

Home   |   Donate   |   myServices   |   Chat!   |   Why not JOIN the MAILING List   |   myAccounts   |   MUSIC!   |   GAMES! BaguioMusiCommunity http://baguiomusiccommunity@groups.msn.com setAdGroup('203.213.197.91'); <!-- // Cache-busting LUBID bug. var ran = Math.round(Math.random() * 899999) + 100000; var lubid_string = " "; document.write(lubid_string); //--> var cm_role = "live" var cm_host = "tripod.lycos.com" var cm_taxid = "/memberembedded" var objAdMgr = new AdManager(); if(adChannel != "") { objAdMgr.setForcedParam("google_ad_channel", adChannel); } var strProdSetName = objAdMgr.chooseProductSet(); objAdMgr.renderHeader(); <!-- launchSidebar('(none)', '(none)'); if (!displayAd()) document.write("<!" + "--"); //--> if (objAdMgr.isSlotAvailable("leaderboard2")) { objAdMgr.renderSlot("leaderboard2") } <!-- window.onload = function () {

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!