
LUNGSOD PASIG, Hunyo 16 (PIA) -- Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na extended muli ang validity ng mga ipinamahaging food coupons sa mga mamamayan ng lungsod
Maaari pa ring gamitin ang food coupons hanggang June 30, 2020, ayon sa anunsiyo.
Maaaring ipambili ang mga food coupons sa Pasig Mega Market, Pasig Mobile Palengke at sa ilang talipapa.
Magugunitang noong Abril, namahagi ang pamahalaang lungsod ng mga food coupons bilang tulong sa mga naapektuhan ng community quarantine.
Una rito, namahagi ang lungsod ng 400,000 food packs at 8,000 bote ng vitamins sa mga mahihirap na residenteng apektado ng lockdown na nagkakahalagang P158.8 milyon.
Gayundin, nagpaikot ito ng mobile kitchen na libreng naghahatid ng pagkain at nagpasa rin ito ng "no-hoarding" ordinance upang matiyak ang sapat na suplay ng mga basic goods. (PIA NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044853
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.