LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 10 (PIA) - - Inanunsiyo ni Undersecretary Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sisimulan ngayong linggo ang pamamahagi ng pangalawang bugso o 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) tulong pinansyal.
“Maunang mabibigyan ang abot sa 1.3 milyong benipisyado ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) na may cash card dahil sila ang naunang na crossmatch ng Kagawaran. Isusunod naman sa kanila ang 5 milyong mga pamilyang “wait-listed” o pamilyang kwalipikadong makatanggap subalit hindi naisama sa 1st tranche,” pahayag ni Paje sa virtual press briefing Martes, Hunyo 9.
Matatandaang sa mga naunang pahayag ng Kagawaran, bibigyan prayoridad ang mga “wait-listed” o mga pamilyang kwalipikado subalit hindi naisama sa first tranche ng SAP, at dalawang bugso ng SAP tulong pinansyal ang matatanggap nang mga ito.
“Ninanais ng Kagawaran na mabilis na maipamigay ang 2nd tranche ng SAP sa lalong madaling panahon subalit may mga proseso itong kailangang sundin upang masegurong ang pera ng bayan ay mapupunta sa totoong nangangailangan,” paliwanag ni Paje.
“Kailangang dumaan sa balidasyon ang mga pangalan upang masuri kung kwalipikado ang pamilyang makatatanggap ng ayudang pinansyal. Pagkatapos ng balidasyon ay magsasagawa rin ng cross matching upang matiyak na isang programang pinansyal lamang ang matanggap ng pamilya. Ang cross matching o deduplication ay isasagawa sa antas ng lungsod, munisipyo, rehiyon at nasyunal,” dagdag pa ni Paje.
“Ang balidasyon ay magagawa lamang ng mga DSWD field offices kapag kumpleto na ang mga datos ng lahat ng LGU,” diin ni Paje.
Nagpapaalala ang opisyal sa mga lokal na ehekutibo na bilisan ang submisyon ng liquidation report.
Sa liquidation report ay kailangang matukoy sa master list ang mga karapatadapat na pamilya, may sertipikasyon na nasuri na ang mga pamilya ay karapat dapat sa ayuda batay sa umiiral na panuntuanan.
Ang liquidation at sertipikasyon ay isusumite sa DSWD regional filed office para sa deduplikasyon gamit ang DSWD data base at data base ng iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng SAP.
Ayon kay Paje, ang mga hindi pa nakasama sa pagpapalista ay maari pang magpalista , makipag-ugnayan lamang sa mga lokal na pamahalaan particularly sa local SWDO.
Samantala, sa update ng 1st tranche ng SAP nitong Hunyo 7, umaabot na sa mahigit P99.,8 bilyon ang naipamahaging pondo sa 17.6 M na mahihirap na pamilya.
Umabot naman sa 1542 LGUs ang nakapagkumpleto ng pamamahagi ng SAP at 1,104 ang nakapagsumite ng kumpletong liquidation report habang may 222 LGU pa ang kasalukuyang nagtatapos ng liquidation report.
Sa kabuuan ay 81.15% na mga LGU ang nakakumpleto ng liquidation report.
SA status ng 2nd tranche, kahapon ay higit sa P3.3M ang bilang ng encoded SAP form ng mga benipisyado.
Tuloy tuloy ang paghahanda sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang maliit ang kita at kabilang sa mga pinakapaektado ng pagpapataupad ng quarantine
Ang implelmentasyon ng SAP ay nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act No. 11469. Ito ay isang batas na ipinasa noong Marso 2020 na nagbibigay sa Pangulo ng karagdagang otoridad upang malabanan ang COVID-10 pandemic. is a law in the Philippines that was enacted in March 2020 granting the President additional. (PIA-NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044361
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.