PAGBILAO, Quezon, Hunyo 11 (PIA)- Namahagi ng mga kagamitang pang-agrikultura ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa apat na samahan ng mga magsasaka na idinaos sa Barangay Talipan sa bayang ito kamakailan.
Ayon sa Quezon Public Information Office, kabilang sa mga kagamitang pangsakahan na ipinamahagi sa mga miyembro ng Dumacaa Farmers Irrigators Association, Ibabang Polo Farmers Association, Organic Farmers Association at Samahan sa Industriya ng Cacao Pangkabuhayan (SICAP)-Pagbilao ay dalawang hand tractors, isang tresher, dalawang tig-5,000 litro ng drum at 100 pirasong guyabano seedlings.
Sinabi ni Gobernador Danilo Suarez na sinisiguro niya sa mga magsasaka na sa susunod na taon ay madadagdagan pa ang mga kagamitang pansaka ang maipapamahagi ng pamahalaang panlalawigan.
"Malaki ang kontribusyon ng ating mga magsasaka sa food supply ng ating probinsya at buong rehiyon, hangad ko na pag-ibayuhin pa ang mga programa sa sektor ng agrikultura", sabi pa ng gobernador
Kaugnay nito, binisita rin ni Gobernador Suarez ang ang Quezon Product Center at Quezon Food and Herbal Processing Center na matatagpuan din sa bayan ng Pagbilao.
Samantala, nakatakda ring tumanggap ng mga agricultural inputs ang iba pang mga samahan ng mga magsasaka mula sa lungsod ng Tayabas, mga bayan ng Sariaya, Candelaria at iba pang bayan sa lalawigan sa mga susunod na araw. (Ruel Orinday, PIA-Quezon at ulat mula sa Quezon PIO)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044423
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.