Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

P43.8M halaga ng 'agricultural interventions' ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Batangas

May kabuuang P43.8 milyong halaga ng 'agricultural interventions' ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa may 45 magsasaka mula sa mga bayan ng San Nicolas, Agoncillo, at Laurel, Batangas. (Larawan mula sa Office of Provincial Agriculture-Batangas)

LUNGSOD NG BATANGAS, Hunyo 19 (PIA) --May kabuuang P43.8 milyong halaga ng agricultural inventions ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) Region IV-A sa may 45 Batangueño farmer-representatives noong ika-11 ng Hunyo 2020.

Ang naturang tulong pang-agrikultura na ipinagkaloob sa mga magsasaka mula sa mga bayan ng San Nicolas, Agoncillo, at Laurel ay naihatid sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa DA CALABARZON.

Ayon sa DA CALABARZON, ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka ay bahagi ng tuloy-tuloy na Taal Recovery and Rehabilitation Program kung saan unang naipamahagi na sa mga lubos na napinsalang mga bayan noong pumutok ang Bulkang Taal ang iba't ibang ayuda na mga pananim tulad ng budded calamansi, guyabano, lanzones, cacao seedlings, at banana sucker.

Bukod dito, mayroon ding abono, plant growth enhancer, mga livestock animals gaya ng baka, kalabaw, at kambing. Kasama ring naipamahagi ang broiler at native chickens at ilang mga agricultural equipment, na kinabibilangan ng plastic crates, pruning shear, at knapsack sprayer.

Sinabi ni DA CALABARZON Regional Director Arnel V. de Mesa, na ang food security at sustainability targets umano ay hindi dapat maantala o matigil sa kabila ng mga kinakaharap na matitinding pagsubok tulad na lamang ng nangyaring Taal Volcano eruption at sa patuloy na banta ng African Swine Fever (ASF) at Coronavirus Disease (COVID-19) na labis aniyang nakakaapekto sa buong rehiyon.

Nagpahayag din si Director de Mesa ng kaniyang simpatya sa mga magsasakang Batangueño at binigyang-diin na buo ang magiging suporta ng kanilang ahensya para sa maayos na pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura sa lalawigan.

“Ang DA 4A ay nakahandang tumulong sa mga magsasaka kahit anong sitwasyon ng buhay,” tugon ni Provincial Agriculturist, Engr. Pablito Balantac, na taos-puso ang naging pasasalamat sa nasabing kagawaran.

Sa inilibas na ulat ng OPAg, malaki anila ang maitutulong ng mga naipagkaloob na laang ayuda ng DA sa mga magsasaka upang muling makapagsimula sa kabila ng naranasang kalamidad. Nakahanda rin anila ang kanilang tanggapan para magbigay suporta sa mga proyekto ng Department of Agriculture at mga Batangueño farmers. (PIA-Batangas/Batangas Capitol PIO)  



source https://pia.gov.ph/news/articles/1045191

Comments

Popular posts from this blog

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

MUSIC here!

Home   |   Donate   |   myServices   |   Chat!   |   Why not JOIN the MAILING List   |   myAccounts   |   MUSIC!   |   GAMES! BaguioMusiCommunity http://baguiomusiccommunity@groups.msn.com setAdGroup('203.213.197.91'); <!-- // Cache-busting LUBID bug. var ran = Math.round(Math.random() * 899999) + 100000; var lubid_string = " "; document.write(lubid_string); //--> var cm_role = "live" var cm_host = "tripod.lycos.com" var cm_taxid = "/memberembedded" var objAdMgr = new AdManager(); if(adChannel != "") { objAdMgr.setForcedParam("google_ad_channel", adChannel); } var strProdSetName = objAdMgr.chooseProductSet(); objAdMgr.renderHeader(); <!-- launchSidebar('(none)', '(none)'); if (!displayAd()) document.write("<!" + "--"); //--> if (objAdMgr.isSlotAvailable("leaderboard2")) { objAdMgr.renderSlot("leaderboard2") } <!-- window.onload = function () {

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊