Skip to main content

Trending

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

DILG nagbabala laban sa misting, spraying ng disinfectant sa tao

LUNGSOD CALOOCAN, June 12 (PIA) -- Muling nagbabala ang Department of the Interior and Local Government na bawal pa rin ang misting at pag-spray ng disinfectant sa mga tao kasunod ng pagkamatay ni police doctor Casey Gutierrez na nakalanghap diumano ng disinfectant sa isang quarantine facility sa Pasig City.

“Ikinalulungkot namin ang pangyayaring ito lalo pa’t nilinaw naman ng DILG at ng Department of Health (DOH) noong Abril pa na mapanganib sa kalusugan ang misting at spraying,” ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año.

Muli niyang ipinarating sa mga local government unit (LGU) at mga attached agencies ng DILG, kasama na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang panganib na idinudulot ng ganitong mga kemikal sa kalusugan ng tao.

Binanggit niya ang DOH Memorandum 2020-0157 na nagsasaad na hindi pa napapatunayan na ang malawakang fogging, misting at spraying ay pumapatay sa virus.

“Dapat malaman ng mga LGU at mga pampubliko at pribadong opisina na nakadadagdag pa sa mga problemang pangkalusugan ang misting dahil lalo pang kumakalat ang mga pathogen at magdudulot ng skin irritation at pagkalanghap ng mga kemikal. Maaari rin itong maging sanhi ng polusyon sa kalikasan,” paliwanag ni Año.

Sa kanyang Advisory noong Abril 18, 2020, pinayuhan ng Kalihim ang mga LGU na ipagbawal ang pagtatayo ng mga disinfection tents, misting chambers o sanitation booths lalo na kung hindi nakasuot ng personal protective equipment ang mga papasok sa mga ito.

Ayon sa Advisory, ang mga kemikal tulad ng hypochlorite ay sanhi ng pangangati ng balat at mucous membrane (sa mata, ilong at lalamunan) at maaaring makasama kapag nalanghap. Limitado din daw ang mga pag-aaral na nagpapatunay na epektibo ang mga chemical disinfectant.

“Bagamat maganda ang intensyon ng misting, nilinaw na po ng DOH na ‘di ito mainam sa kalusugan. Maging maalam tayo sa mga dapat at hindi dapat gawin habang sama-sama nating sinusugpo ang COVID-19 sa isang sistematiko at siyentipikong paraan,” ani Año.

Ipinahayag rin ng DILG chief ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng 31-gulang na police physician na namatay kamakailan dahil sa disinfectant poisoning.

“Napakasaklap mawalan ng isa na namang frontliner doctor sa gitna ng pandemya. Ang masakit pa rito’y kapabayaan ang ikinamatay ni Capt. Gutierrez, hindi ang kalaban nating COVID-19,” dagdag ng kalihim.

Inutusan ni Año ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti ang insidente. “Inaatasan ko ang PNP na siguraduhing lalabas ang katotohanan sa imbestigasyon at mananagot ang dapat managot. Tiyakin ninyong wala nang susunod na ganitong insidente,” pagdidiin niya.

Ayon naman kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, hindi niya sinisisi o tinutukoy ang Office of Civil Defense (OCD) na pinanggalingan ng concentrated disinfectant solution na ginamit ng mga medical at healthcare personnel sa PhilSports Arena na isang pansamantalang COVID-19 treatment facility.

Sa interes ng masusing imbestigasyon, sinabi ni Gamboa na iminungkahi sa OCD na tumulong pagtukoy kung saan nanggaling ang kemikal dahil ang OCD ang nag-accredit ng mga service providers sa mga quarantine facility na pinatatakbo ng PNP. (PIA NCR)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1044547

Comments

Popular posts from this blog

How To Make A Country Worship You

Hayaan mo lang na lumala ng lumala ang ekonomiya. Hayaan mo magutom ang mga tao. Hayaan mo silang magpatayan. Hanggang sa maupos na ng tuluyan ang pag asa nila na magkakaroon pa ng pagbabago. Hayaan mo silang abala sa mga libangan nila at may mahabang oras ka na manlinlang at malilinlang mo talaga sila. Gumawa ka ng maraming misdirections para akala nila informed sila. Sa kawalan nila ng pag-asa, hagisan mo ng tira tira. Hagisan mo ng latak ng sarili nilang pera. Hagisan mo ng katiting na awa. Hindi mo kailangan ayusin ang mga ng problema ng bansa. Kailangan mo lang palabasin na may ginagawa ka kahit wala.

MUSIC here!

Home   |   Donate   |   myServices   |   Chat!   |   Why not JOIN the MAILING List   |   myAccounts   |   MUSIC!   |   GAMES! BaguioMusiCommunity http://baguiomusiccommunity@groups.msn.com setAdGroup('203.213.197.91'); <!-- // Cache-busting LUBID bug. var ran = Math.round(Math.random() * 899999) + 100000; var lubid_string = " "; document.write(lubid_string); //--> var cm_role = "live" var cm_host = "tripod.lycos.com" var cm_taxid = "/memberembedded" var objAdMgr = new AdManager(); if(adChannel != "") { objAdMgr.setForcedParam("google_ad_channel", adChannel); } var strProdSetName = objAdMgr.chooseProductSet(); objAdMgr.renderHeader(); <!-- launchSidebar('(none)', '(none)'); if (!displayAd()) document.write("<!" + "--"); //--> if (objAdMgr.isSlotAvailable("leaderboard2")) { objAdMgr.renderSlot("leaderboard2") } <!-- window.onload = function () {

Angat Buhay Hope Cards, Bili Na!

Ipadama ang pakikiisa, #IpasaAngPagasa gamit ang ating ✨ Angat Buhay Hope Cards ✨ We have partnered with Robert Alejandro to create hope cards that you can share to family and friends, perfect for all seasons!  For every purchase, Iskaparate will donate 100% of its sales to Angat Buhay for our partner communities and advocacies.  Sulit na sulit ang bawat set na mayroong 12 hope cards at 4 na design, sa halagang 899Php! Available na ito sa: 🛒 Iskaparate (https://www.iskaparate.com/products/angat-buhay-hope-cards) 🛒 Museo ng Pag-asa Gift Shop  Magkakaroon din tayo ng single hope cards sa halagang 80Php, abangan lang ang ibang detalye sa ating page.  I-add to cart na, at i-share mo na rin sa mga kakilala! 😊

Why are Filipinos known for their lack of reading comprehension?

Because according to most of them: "Well-mannered is better than well-educated" That's why most of the Filipinos never progress. It is because of the trash mindset.

Board of Trustees and Members of Angat Pinas, Inc.

Pagbati sa mga itinalagang board members ng Angat Buhay na magsisilbing gabay at haligi ng organisasyon! Magsisilbing Chairperson ng Angat Buhay NGO si Atty. Leni Robredo; habang tatayo namang bilang President si Philip Francisco Dy. Si Raphael Martin Magno naman ang tatayong Executive Director ng organisasyon. Kabilang sa mga members of the board sina: Atty. Jose Christopher Belmonte; Joanne Baylon; Judith Azarcon-Marquez; Garrie David; Max Ventura; Rafael Lopa; at Raphael Martin Magno (Ex-officio). Tatayong Board Secretary si Atty Stella Pastores-Esquivas, at Board Treasurer naman si Camille Genuino. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa pagsulong natin ng ating adhikaing iangat ang buhay ng lahat. Simula pa lang ito ng pag-abot natin sa mas matatayog pa nating mga pangarap para sa bayan. Mabuhay po kayo!