LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 15 (PIA) -- Muling nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na bawal pa rin ang sabong (cockfighting) sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ o MGCQ.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang pagsasabong ay hindi pa rin pinahihintulutan sa ilalim ng GCQ o MGCQ sa gitna ng maaaring kahinatnan ng Metro Manila at iba pang area sa laban ng mga ito kontra COVID-19.
“Bagamat mas maluwag po ang ating mga kautusan, bawal pa din ang sabong saan mang bahagi ng mga lugar na nasa ilalim ng GCQ o MGCQ habang patuloy nating pinipigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa,” sabi ni Año.
“Ang GCQ po ay hindi para magawa po natin ang mga gusto nating gawin tulad ng pagsasabong; ito po ay para gumulong ulit ang ekonomiya. Ang GCQ o MGCQ ay hindi nangangahulugang wala ng virus kaya dapat maging listo tayo,” dagdag niya.
Binibigyang diin ni Año na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay hindi naglabas ng anumang resolusyon na magpapahintulot sa pagpapatakbo ng mga cockpit arenas.
“Ang sabong po ay hindi pa din po pinapayagan sa ilalim ng GCQ o MGCQ. Patuloy po ang paalala natin sa ating mga kababayan na ang mapapatunayang lumabag sa kautusan na ito ay mapaparusahan,” sabi niya.
Pinaalalahanan ni Año ang mga local government units (LGUs) na bantayan ang mga cockpit arenas o maging ang mga pamayanan at kanayunan na kanilang nasasakupan upang matiyak na sumusunod sila sa mga polisiya ng IATF at ng DILG. “Bantayan po natin ang mga sabungan na ito at huwag natin silang payagaang magbukas dahi ito po ay labag sa batas,” sabi niya. (PIA NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1044797
Comments
Post a Comment
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.